Facebook

Politika at Renta

A lie keeps growing and growing until it’s as clear as the nose on your face. — The Blue Fairy in the much loved story of Pinocchio.

PASAKALYE:

Text message . . .

Nananawagan po kami kay Pangulong DUTERTE, hanggang ngayon , limang nbuwan na ang nakalipas. Wala pa rin kaming (mga contact tracer) suweldo. Mga frontliner din po kami kaya san a’y bigyang-pan sin din kami sa Palasyo dahil kung hindi man kami magkasakit ng Covid-19 ay tiyak na tatamaan (o tinamaan na nga) kami ng gutom. — Althea ng Tondo (09053434…)

* * *

ANG mga kapitalista ay namumuhunan ng pera para kumita at hindi para lang masuba ng kung sinong ponsyo pilatong nasa pwesto. Ito ang kwento ng isang pulitikong pagkatapos magbigay ng downpayment para sa inarkilang ad space ay tila nagalit pa dahil binaklas ang kanyang billboard na lagpas na sa kontratang binayaran.

Sa Taytay, Rizal piniling magnegosyo ng may-ari ng HOLISTIC MARKETING SERVICES COMMUNICATIONS FIRM CORPORATION, sa paniwalang may potensyal ang bayang higit na kilala bilang Garments Capital of the Philippines, lalo pa’t nakadikit lamang ang nasabing lokalidad sa National Capital Region.

Tama naman ang kapitalista sa kanyang sapantaha – maliban sa isang bagay. Hindi marahil alam ng nasabing kapitalista ang likaw ng mga nagbibida-bidahang hangad lang ay sumikat at magsamantala.

Sa isang kalatas na inilabas ni Binibining CHERRY PIE BALABAD na may-ari at tumatayong Marketing Manager ng Holistic, inamin nitong sila mismo ang nagpasyang baklasin ang higanteng billboard ni Konsehal PIA CABRAL. Katwiran nila, isang buwan lang ang kontratang inakala nilang para ipakilala ang negosyo ng isang kumpanya.

Ang siste, may kapirasong pangalan ng negosyo sa billboard, pero higit na prominente ang pagmumukha ni Cabral na kandidato pala ngayon para Vice-Mayor ng nasabing bayan.

Susmaryosep! Akala ko corporate endorser sa dambuhalang billboard. Epallopid pala!

Ang masaklap, walang na palang sumunod pang kabayaran maliban sa katumbas na kabayaran para sa isang buwan. Hindi din umano akalain ng Holistic na mukha ng isang kandidato ang ikakarga sa kanilang ipinarerentang ad space sa Tikling Rotonda sa Barangay Dolores ng nasabing bayan.

Kung tutuusin, karapatan ng Holistic na baklasin ang nasabing dambuhalang billboard dahil sa kabiguan narin marahil ng kanilang kliyenteng i-renew ang kontrata at magpabayad ng karampatang renta. Sa totoo lang, may palugit pa ngang dalawang linggo bago binaklas ang dambuhalang mukha na wari ko’y maagang nangangampanya sa pwesto ng vice mayor na kanyang inaasinta.

Pero sa halip na bayaran, pinaratangan pa silang nakikisawsaw sa pulitika – bagay na sadyang nakadidismaya sa kahit sinong kapitalista.

Ano naman ang kinalaman ng pulitika sa renta?

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Politika at Renta appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Politika at Renta Politika at Renta Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.