Facebook

Grassroots supporters nationwidde nagpakita ng suporta… SI BONG GO LANG ‘SAKALAM’

Naglunsad ng pambansang caravan ang mga tagasuporta ni Senator Christopher “Bong” Go simula noong Sabado (November 6) upang ipakita ang kanilang lakas at suporta sa kandidatura ng senador para sa pagkapangalawang pangulo sa darating na 2022 elections.

Daan-daang tagasuporta ang nakipagpartisipa sa magkakahiwalay na caravans sa iba’t ibang lugar, gaya ng Biliran, Bohol, Cagayan, Camarines Norte, Camiguin, Capiz, Davao de Oro, Eastern Samar, Ilocos Sur, Iloilo, Laguna, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Negros Occidental, Negros Oriental, North Cotabato, Northern Samar, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Pangasinan, Quirino, Rizal, Siquijor, Southern Leyte, Southern Samar, Zambales, Zamboanga del Norte and Zamboanga del Sur as well as the cities of Dumaguete, Iloilo, Mandaluyong, Marawi, Iligan, Parañaque, Pasay, Quezon, San Juan, Tacloban, Valenzuela, at iba pa.

Sa Negros Occidental, nag-organisa ang provincial-chapter ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan ng prusisyon ng 500 sasakyan sa Victorias City at Bacolod City — sakay ang mga tagasupurta ni Go na mula pa sa mga lungsod ng Enrique B. Magalona, Murcia, Silay at Talisay — saka nagsama-sama sa Panaad Stadium sa kapitolyo.
Inilarawan ni Minority Floor Leader at Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Paduano, tubong E.B. Magalona, ang caravan bilang nationwide effort para imobilisa ang mga tagasuporta ni Sen. Go sa iba’t ibang lupalop ng bansa.

“This is only for VP … He has given plenty of help to Negros and Bacolod. Others who we helped through several elections have never really helped Bacolod and Negros,” ang sabi ni Paduano.
Samantala, ang Go Bong Go Coalition ay naglunsad naman sa Caloocan City ng aktibidad na dinaluhan ng daan-daang tagasuporta ng senador.

Ang Let’s Go VP GO Coalition, na binubuo ng mahigit 50 parallel groups ay nagsagawa rin ng pagtitipon sa Subic, Zambales para ipakita ang kanilang pagsuporta kay Go.

Sa kanyang mensahe, lubos na pinasalamatan ni Go ang kanyang mga tagasuporta sa pagsasabing “Salamat sa inyong lahat. Damang dama ko ang inyong pagtitiwala at pagmamahal sa akin at kay Pangulong Rodrigo Duterte… asahan niyo po na kung ako po ay papalarin, bilang bise presidente, ako po ay magtatrabaho at magseserbisyo para sa ating mga kababayang Pilipino. Tuloy ang malasakit. Tuloy ang serbisyo. Tuloy ang pagbabago.”

Sinabi ni Go na ipagpapatuloy niya ang krusada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, krimen at katiwalian. Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang mga programa at mga proyekto na magbibigay ng kaginhawaan at masaganang buhay sa lahat ng Filipino, gaya ng ‘Build, Build, Build’ at Malasakit Centers programs.

Noong 2019 midterm elections, si Go ang nakakuha ng pangatlong pionakamataas na boto sa senatorial race na 20.6 million.

Sa ngayon, siya ang palaging nangunguna sa mga vice presidential polls, kagaya ng Publicus Asia Pahayag-Quarter 3 survey kung saan ay nakakuha siya ng 23.6%.

Si Go rin ang may pinakamataas na trust score sa incumbent senators.

Bukod pa rito, ang senador rin ang rumeremate sa iba’t ibang online polls, kabilang ang VP poll ng Manila Bulletin simula October 29 hanggang October 31.

The post Grassroots supporters nationwidde nagpakita ng suporta… SI BONG GO LANG ‘SAKALAM’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grassroots supporters nationwidde nagpakita ng suporta… SI BONG GO LANG ‘SAKALAM’ Grassroots supporters nationwidde nagpakita ng suporta… SI BONG GO LANG ‘SAKALAM’ Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.