
KUNG inaakala ninyong tapos na ang gulo at puros pag-iikot na ang gagawin ng ilang presidentiables partikular mula sa kampo ni Duterte at Marcos, hindi pa repapips. May mas matindi pa tayong inaabangan…
Ito ay ang nakahaing petisyon para sa kanselasyon sa kandidatura ni Presidential aspirant Bongbong Marcos, higit na kilala sa tawag na BBM ng kanyang mga tagasu-nod, sa Comission on Election.
Sabi ng Comelec, pinasasagot na nila si Marcos sa naturang petisyon kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanyang kandidatura.
Tatalakayin ito ng Comelec sa Nobyembre 25.
Take note: Karamihan sa Comelec Commissioners ay taga-Davao at appointed ni Pangulong Rody Duterte.
Isa sa mga makakalaban ni Marcos sa presidential derby ay si Senador Bong Go, ang longtime most trusted man ni Duterte, na walang running mate.
At ang running mate naman ni Marcos ay ang anak ni Duterte na si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio.
Kapag nabasura ang kandidatura ni Marcos, ang malamang na magsama ay Go-Sara. Mismo!
Sakali ngang makansela ang kandidatura ni Marcos, hindi masisisi rito si Duterte dahil ang nag-file ng petition laban sa kandidatura ni Marcos ay ang human rights groups at political prisoners na naging biktima ng Martial Law ng diktador na ama ni Junior.
Pero sa tingin ko ay isa ito sa mga nasilip, dahilan kaya pinag-file ni Duterte ng pagka-pangulo si Go kahit walang running mate via substitution noong Sabado (Nob. 13).
Ang pagpapakansela sa kandidatura ni Marcos ay nag-ugat sa hindi niya pag-file ng kanyang income tax returns (ITR) sa BIR ng ilang taon noong 1980s, kungsaan ay na-convict siya ng Quezon City Regional Trial Court at pinagtibay ng Court of Appeals at hindi na nito inakyat sa Korte Suprema.
Ayon sa Omnibus Election Code, ang isang tao na convicted sa kaso at nahatulan ng hindi bababa sa 18 buwan ay hindi puwede sumali sa eleksyon.
Sakali namang madismis ang petisyon laban kay Marcos, magiging mahigpit ang laban niya kahit Bise pa niya si Sara. Oo! Tiyak na hindi papayag si Pangulong Duterte na basta matalo ang kanyang Bong Go sa eleksiyon. Ti-yak na ang boto ng DDS ay kay Bong Go at Sara, at ang BBM ay kay Marcos lang at Sara. Si Sara lang ang sakalam!
***
Sa panayam ng DDS blogger na si Banat By kay Pangulong Duterte, binanatan niya si Marcos. Hindi raw ito dapat iboto dahil ito’y kakampi ng komunista, mula sa pa-milyang magnanakaw, sinungaling at walang kakayahan maging pangulo ng bansa. Kahit kailan daw ay hindi niya sinabi na suportado niya si Marcos. Aray ko!
Sa mga atake na ito ni Duterte kay Marcos, alam na this! Isusulong niya si Bong Go para siyang magpapatuloy ng kanyang “legacy”.
Yakang yaka naman talaga ni Bong Go ang trabaho ng isang pangulo. Kitang kita ito sa kanyang unang higit dalawang taon palang na pagiging Senador. Napakarami na ngang natulungan ng kanyang binuong Malasakit Center na kalat sa gov’t. hospitals sa buong bansa at takbuhan ng pamilya ng mahihirap na mga pasyente. Kung saan ang sunog, doon ang kamay ni Bong Go. Kung saan ang kalamidad, doon si Bong Go. Sabi nga ni Duterte baka si Bong Go ang nagsunog. Hehehe…
The post Hindi pa tapos ang gulo sa Duterte at Marcos camp appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: