
UMISKOR si Tyler Herro ng 26 points upang pamunuan ang opensiba ng Miami Heat sa 103-90 wagi laban sa makulit na Oklahoma City Thunder Lunes ng gabi sa American Airlines Center sa Oklahoma, City.
Umayoda din sina Duncan Robinson na may 21 points at si Kyle Lowry na nagdagdag ng 11 points at 11 assists para sa Heat upang punan ang hindi paglalaro ng kanilang main players na sina Jimmy Butler (sprained right ankle) at Bam Adebayo (bruised left knee).
Malaking kawalan si Butler dahil nag-a-average ito ng 23.6 points kada laro umabot na rin ng tatlong games na hindi ito nakakalaro.
Ang panalo ng Heat ay nag-angat sa kanila sa 9-5 record, habang nalugmok pa lalo sa 5-8 kartada ang Oklahoma.
Inalat din kasi ang kanilang top scorer na si Shai Gilgeous-Alexander na dati ay nag-average ng 22.6 points per game pero sa laro kanina ay nagtala sa nakakadismayang season-low na 10 on 2-of-11 sa shooting.
The post Tyler Herro susi sa panalo ng Heat vs Thunde appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: