
INAPROBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) board na ipagpatuloy ang training ng ilang pili na national teams simula sa January 10, 2022, sa Rizal Memorial Sports Complex ( Manila) Philsports Complex sa Pasig City, at Baguio Training Camp sa Baguio City.
Ayon sa PSC nakikipag-usap na sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) at local government units kaugnay sa pasilidad para masiguro na lahat ng rules ay masusunod para sa proteksyon na rin ng national team members.
Itoy dahil ang COVID-19 facilities sa PhilSports at Rizal ay nanatiling pa ring gumagana.
Sinimulan na rin ang pagsasaayos ng ilang bahagi ng pasilidad na nasira dahil sa ulan.
Mahigpit ding ipatutupad ang “no vaccine, no entry” policy sa mga pasilidad.
Umubos ang PSC ng milyones para sa bubble training ng Tokyo Olympic-bound athletes sa Inspire Sports Academy sa Binan, Laguna nitong taon.
Dahil magagamit na ang Rizal, Baguio at Pasig venues, malaking halaga ang matitipid ng PSC na kadalasan ay ginagamit sa pagbabayad ng renta.
The post Training ng national team balik sa PSC Facilities appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: