Facebook

Isko at Honey tumanggap ng mahigit P1B suporta sa Microsoft

TUMANGGAP ng mahigit P1B halaga ng suporta mula sa Microsoft sina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna. Ito ay nangangahulugan ng benepisyo para sa libu-libong guro, mag-aaral at maging ng mga residente ng kabisera ng bansa.

Ito ang inanunsyo ni Moreno kasabay ng pasasalamat nila ni Lacuna sa pagtugon sa kanilang panawagang tulong para sa mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod.

Ang dalawa ay kapwa nagpahayag ng kanilang pasasalamat kasabay ng kanilang pagtanggap sa kinatawan ng Microsoft sa mayor’s office sa Manila City Hall kung saan lumagda sila ng memorandum of understanding at tumanggap ng 290,000 licenses para sa Microsoft 365.

Ayon kay Moreno, kung bibilhin taon-taon ang lisensya, ito ay nagkakahalaga ng P3,500 bawat isa, at kailangan din ng renewal kada taon.

“Nakuha ito ng Maynila nang libre, thanks for the trust. All students will get Microsoft global education program access while residents will get the opportunity to learn new digital jobs,” sabi ng alkalde.

Ito, ayon kay Moreno ay kinabibilangan ng robotics engineering, cyber security specialist, data scientist, cloud engineering, software development engineers, data engineers, cloud developers, online customer service agent at online business consultants.

“Siksik, liglig at nag-uumaapaw. Almost P1 billion, laway lang ang puhunan natin. Good luck sa mga bata. Pag ako nagbabayad ng license, every year din kaya malaking tulong ito sa atin. Sa Microsoft Philippines family, thank you for your continued trust,” pahayag pa ng alkalde.

Sa bahagi ng Microsoft, sinabi ng kinatawan nito ma sila ay magbibigay ng para sa mga nagtratrabaho sa loob ng bahay at sa kalaunan ay makapagbigay sa mga residente ng trabaho sa pagkakaroon ng sapat na kaalamang digital.

Tiniyak din ng kinatawan ng Microaoft na ang kanilang alok ay magbibigay benepisyo rin sa City Hall, maliban pa sa mga estudyante at guro.

Sinabi pa ng software company kay Moreno na kapag hina-hire ng private sector ang mga estudyante, kinukuha nila ang mga may digital skills at idinagdag pa nito na mas pinapaboran ang mga may digital skills na certified ng Microsoft. (ANDI GARCIA)

The post Isko at Honey tumanggap ng mahigit P1B suporta sa Microsoft appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko at Honey tumanggap ng mahigit P1B suporta sa Microsoft Isko at Honey tumanggap ng mahigit P1B suporta sa Microsoft Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.