Facebook

Negosyante timbog sa ‘murder’

LAGUNA – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang 42 anyos na lalaking negosyante na nahaharap sa kasong Murder sa bayan ng Lumban, Laguna.

Sa ulat ni Acting Laguna PNP Provincial Director PCol. Rogarth Campo kay PRO4A Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo Cruz, nakilala ang suspek na si Alexander Quijano, napabilang sa Number 6 Most Wanted Person (Regional Level), residente ng Brgy. Segunda Parang, lugar na ito.

Ayon sa report, 5:45 ng hapon noong Sabado nang maghain ng Warrant of Arrest si Lumban Chief of Police PCapt. Ed Richard Pacana at kanyang mga tauhan sa bahagi ng Bgy. Maytalang 1 nang mamataan ng mga ito ang suspek sa lugar.

Batay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Iluminado M. Dela Peña of RTC Branch 28, Sta Cruz, Laguna, criminal case Number SC-28191, kaugnay ng kasong Murder (no bail recommended) agarang naaresto ng mga ito ang suspek na si Quijano kasunod ang pagkakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ng isang kalibre 45 baril (STI Executive), magazine at mga bala.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Lumban PNP Custodial Facility na nahaharap sa nabanggit na kaso kabilang ang paglabag pa nito sa RA 10591 (Illegal Posession of Firearms). (Dick Garay)

The post Negosyante timbog sa ‘murder’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Negosyante timbog sa ‘murder’ Negosyante timbog sa ‘murder’ Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.