
INAANYAYAHAN ni Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno ang publiko na bisitahin ang “Manila EntrePinoy StrEAT Food Festival” na kanilang binuksan ni Vice Mayor Honey Lacuna nitong weekend sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall.
Pinuri ni Moreno si bureau of permits chief Levi Facundo sa nasabing proyekto na layuning pasiglahin ang ekonomiya ng lungsod at makalikha ng hanapbuhay sa maliliit na negosyante at manggagawa na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
Ayon sa alkalde, libre ang entrance sa nasabing event na bukas mula 4 p.m. hanggang 10 p.m., magtatagal ito hanggang November 30, 2021.
Sinabi ni Moreno na nakakuha si Facundo nang mahigit na 50 food stalls na magtitinda ng authentic street food tulad ng barbecue, hotdog on a stick, siomai, Bacsilog (bacon, sinangag and itlog), halo- halo, burgers, milk tea, local ice cream at iba pa.
Ayon pa kay Facundo ay mayroon ding al fresco dining sa venue at welcome din ang mga bata.
Mahigpit namang ipatutupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks sa lahat ng oras habang nasa loob ng Mehan Garden, ayon pa kay Facundo.
Magkakaroon din ng mga street performers at TikTok backdrop para mag-enjoy ang lahat.
“Let us support the city government’s efforts to help small businesses and create job opportunities as well,” sabi ni Moreno, na tumatakbo bilang Pangulo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party.
Pinayuhan din ng alkalde ang lahat na bibisita sa Mehan Garden na lubus-lubusin na ang kanilang pagpunta sa lugar at magkape sa kalapit na Kartilya ng Katipunan o Bonifacio Shrine at manood ng makukulay na fountain.
Mula sa nasabing lugar maari din silang tumawid patungo sa Hidden Garden at bisitahin ang ‘Instagrammable’ Jones Bridge. (ANDI GARCIA)
The post Isko nagi-invite sa ‘Manila EntrePinoy StrEAT Food Festival’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: