SA napipintong pagluwag na ng alert level ng IATF sa buong bansa sa lahat ng aspetong pang-mamamayan kabilang na ng larangan ng sports, muling madarama sa baseball/ softball community ang malasakit ng isang mabuting dayuhan pero pusong Pilipino ang kalooban.
Mula noon hanggang ngayon ay patuloy ang taos- pusong pagsuporta ng Japanese national/ Philippine- based na si Keiji Katayama partikular sa sport na baseball sa Pilipinas.
SI Katayama ay dating baseball varsity player sa kanyang hometown sa Japan at potensyal na maging pro- player sa kanilang bigtime major league pero naagaw ang ambisyon nang pagiging executive niya ng isang multi- national sports company na nakabase sa bansa.
Nananalaytay sa kanyang dugo ang larong baseball na numero- unong pastime sports sa Japan kung kaya sila ay world caliber, ninais niyang i- share ang kanyang expertise sa mga Pilipinong itinuring na niyang ka-pamilya.
Tiwala si Keiji na kayang mag-excell ng mga Pilipino sa naturang sport tulad ng mga Japanese lalo pa’t halos magkatulad lang sa pisikal na katawan at tindig pati liksi , sa tamang training, exposures, teknolohiya at resources.
Pinakamahalaga aniya ay matularan ang kanilang (Japanese) disiplina at dedikasyon sa larangan kaakibat ng patriotismo at kahandaang lumaban para sa bayan.
Nakapaglalaan ng kanyang panahon sa sport si Keiji tuwing weekends at holidays kaya nakapaglalaro siya sa commercial leagues, nakakatulong sa collegiate at national team bilang coach at consultant at naitatag niya ang Katayama Baseball Academy (KBA) Philippines para sa kabataan bago ang pandemya.
Ilan sa mga markadong naiambag ni Keiji sa larangan ng baseball bago ang krisis sa Covid ang mga isinawalat nito.
“I’m happy and honored to be part of the champion Philippines-as deputy coach- in international tournament-SEAGames 2019; Men’s National team tryout for World Baseball Classic Qualifiers (Jan, 2020;U18 tryout for Asian baseball championship (Feb, 2020; I took Paulo Macasaet to Osaka Japan to have tryout of Sakai Shrikes/Japanese independent baseball league (Feb, 2020) and I joined Pure Play international slo-pitch softball tournament in Clark with Gary Estrada (Mar, 2020).
Ngayong nasa patungo na sa new normal ang lahat at magwawakas na ang pakikibaka sa pandemya, sa kanyang pagdating mula business trip sa kanyang bansang Japan, titiyakin niyang di pa rin ito titigil sa marubdob niyang suporta sa pambansang koponan at kaisa siya sa patuloy na aktibidad ng team via virtual training at face to face sa madaling hinaharap.
“ I will continue to contribute my expertise to our coaches and players.I hope our men’s national team can pursue their training as per approval of the IATF as we all wish that this pandemic will be struck out soon so we can return to the diamond and free to play ball!,”ani pa Katayama na nagpasalamat sa Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na pinamumunuan ni president Chito Loyzaga at secretary general Pepe Muñoz, coaches and players at sa Philippine Sports Commission(PSC) sa liderato ni chairman William Ramirez sa rekognisyon at tiwala sa kanyang kontribusyon para sa Philippine baseball.(Danny Simon)
The post KEIJI KATAYAMA TULOY ANG MALASAKIT SA PH BASEBALL KAAKIBAT ANG HEALTH PROTOCOL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: