Facebook

Pekeng lisensya ginamit sa Batangas kidnapping

GUMAMIT ng mga pekeng palaka ng sasakyan ang mga nasa likod ng kidnapping sa anim katao sa Batangas noong Oktubre 29, 2021.

“Na-verify nga natin kasi meron tayong nakuhang plate numbers dito sa sasakyan na ginamit ng mga alleged suspects. Lumalabas na fake ’yung mga plate number na ginamit nila,” saad ng hepe ng Laurel, Batangas Police na si Captain Errol Frejas.

“Kasi ’yung isa dito, ’yung plate number na binigay ay naka-register sa isang Nissan Navara at wala naman po tayong nakikitang Nissan Navara sa mga vehicles ng suspect. At ’yung isa naman po ay sa Innova na naka-register sa may-ari ay nasa Talisay, Cebu.”

Kinilala ang mga biktimang sina Mark Nelvin Caraan, Shane Despe, Carlo Fazon, Eugene Noora, Mar Christian Ore at Paulino Sebastian na pauwi na sa kanilang tahanan sa Dasmariñas City, Cavite, mula sa bakasyon sa Lian, Batangas.

Habang ang SUV na sinasakyan ng mga biktima ay natagpuan sa forested area sa Barangay Bunggo, Calamba City, Laguna.

Kwento ng isang biktima, nagkaroon sila ng alitan ng karelasyong Chinese bago pa sila makidnap.

“Sa ngayon, wala parin paramdam sabi nila, pero tuloy-tuloy naman po ’yung ano, ’yung nagtatanong-tanong na rin sila, kasi itong mga kamag-anak nila ay hindi, wala silang trabaho, at hindi rin nila alam kung ano ‘yung totoong activities nitong mga kanilang kamag-anak.”

The post Pekeng lisensya ginamit sa Batangas kidnapping appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng lisensya ginamit sa Batangas kidnapping Pekeng lisensya ginamit sa Batangas kidnapping Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.