NAKALADKAD ang isang traffic constable nang hinahabol nito ang isang motoristang naka-hit and run sa Quirino Highway sa Quezon City.
Sa ulat, hinabol ng isang Metro Manila Development Authority (MMDA) constable ang isang sasakyang kumakaripas, ngunit nakaladkad ito at nasira ang kanyang sapatos.
Muling hinabol ng mga residente ang sasakyan at nang ma-corner ito sa harap ng isang fast food restaurant ay pinagbabato ito ng mga galit na tao.
Nabasag ang bintana at windshield ng sasakyan.
Ang dahilan umano ng mga residente at MMDA constable sa paghabol sa driver ay nang-hit and run ito.
Ayon sa isang nakasaksi sa insidente, patakas ang driver kaya nila ito hinabol.
Lasing umano ang driver at nagmamaakawa pa sa pulis, at pagkalabas nito binugbog ng mga residente.
Ayon naman sa MMDA personnel na si TE3 Adrian Beoncio, mamamagitan sana siya dahil akala niya may banggaang nangyari. Pero inatrasan siya pagkalapit niya sa sasakyan at nagulungan ang kanyang mga paa ng ilang beses, dahilan ng pagkasira ng kanyang boots.
Nakakulong na ang driver sa Quezon City Police District Traffic Sector 2. Nagpositibo ito sa alcohol breath analyzer.
Hindi pa siya nakikila dahil hindi raw ito makausap ng maayos ng mga pulis.
The post Driver naka-hit and run, hinabol; traffic enforcer nakaladkad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: