Facebook

Napatay na lider ng NPA, 1 pa positibo sa Covid-19; mga labi na-cremate na

INIHAYAG ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na nagpositibo sa COVID-19 RT-PCR test ang napatay na New Peoples’ Army (NPA) leader na si Jorge Madlos alias “Ka Oris”.

Base ito sa resulta ng RT-PCR test na inilabas ng Philippine Red Cross.

Isinagawa ang test sa encounter site sa Sitio Gabunan, Brgy Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon noong October 30.

Nagpositibo din sa Covid-19 ang kanyang medic na si Eighfel Dela Peña alias Pika/Maui.

Nai-turn over na sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at lokal na pamahalaan ng Impasugong ang kanilang mga labi nitong Martes.

Standard operating procedure ng militar sa mga nag-surrender o napatay na mga rebelde na idaan sa RT-PCR test para hindi mahawa ang sundalo.

Dahil nagpositibo, agad na na-cremate ang labi ng dalawa Martes ng gabi.

Naglabas ang militar ng kopya ng result ng RT-PCR test at certification of cremation.

Ayon kay 4th Infantry Division Commander Major General Romeo Brawner Jr., ang desisyon sa pag-cremate ay desisyon ng IATF at nakabase sa existing Covid-19 protocols.

Una nang pinabulaanan ng militar na ambush ang pagkamatay ni Madlos.

Sa pahayag ng National Democratic Front, sinabi nilang in-ambush si Madlos gabi ng October 29 habang papunta sa bayan ng Impasugong para magpagamot.

The post Napatay na lider ng NPA, 1 pa positibo sa Covid-19; mga labi na-cremate na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Napatay na lider ng NPA, 1 pa positibo sa Covid-19; mga labi na-cremate na Napatay na lider ng NPA, 1 pa positibo sa Covid-19; mga labi na-cremate na Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.