Facebook

3 miembro ng pamilya huli sa higit P2 million shabu

TATLONG miyembro ng isang pamilya ang inaresto nang makuhanan ng higit sa P2 milyong halaga ng shabu Miyerkoles ng gabi sa buy bust operation sa Parañaque City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Angela Doronilla Arichea, 49 anyos, biyuda; Rene Doronilla Robido, 26, Food Panda delivery driver; at Razal Valdez Doronila, 38, pawang residente ng Block 8, Lot 7, Scoop St., Fourth Estate, Brgy. San Antonio ng nabanggit lungsod.

Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director, Brigadier Geneneral Jimili Macaraeg, 11:00 ng gabi nang maaresto ang mag-aanak sa nabanggit na lugar.

Narekober sa mga suspek ang nasa 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.00. (Gaynor Bonilla)

The post 3 miembro ng pamilya huli sa higit P2 million shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 miembro ng pamilya huli sa higit P2 million shabu 3 miembro ng pamilya huli sa higit P2 million shabu Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.