Facebook

SUV sumalpok sa puno sa Tarlac: 3 patay

NASAWI ang tatlo katao at nasa kritikal na kalagayan ang isang batang babae nang sumalpok sa isang punong kahoy ang sinasakyan nilang sports utility vehicle (SUV) sa Tarlac City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat na natanggap ni Tarlac City Police Officer-in-Charge Lt. Colonel Jerrold Jake Manguerra, nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Anthony Peralta, 42 anyos, negosyante; Ariel Layug; at Darwin Lugtu, kapwa nasa hustong gulang, at pawang taga-Barangay San Sebastian, Tarlac City.

Under observation naman sa Tarlac Provincial Hospital si Shean Peralta, 10, dahil sa mga sugat nito sa katawan.

Sa report, pauwi na ang mga ito sakay ng SUV na may plakang NBP-2417 na minamaneho ni Peralta at binabagtas ang kurbadang bahagi ng Tarlac City-San Jose Road sa Brgy. Care nang mawalan ng kontrol ang driver at sumalpok sa isang punong kahoy, 6:30 ng gabi, ayon sa may hawak ng kaso na si Senior Master Sergeant Paul Fariñas ng Tarlac City Police.

The post SUV sumalpok sa puno sa Tarlac: 3 patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUV sumalpok sa puno sa Tarlac: 3 patay SUV sumalpok sa puno sa Tarlac: 3 patay Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.