Facebook

Lalaki pinutol ang ari dahil sa bulong ng babae

ISANG lalaki ang nagawang putulin at hatiin ang kanyang ari matapos umanong “bulungan” ng isang babae sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Sa ulat, sinabi ng lalaking itinago na lamang sa pangalang “Boy” na pinutol niya ang kanyang ari at hinati sa dalawa nang “ibulong” ng boses ng isang babae.

Bago ang insidente, hindi mapalagay ang biktima at pabalik-balik ito para tingnan ang kanyang mga alagang hayop.

Nagpapalit ng damit si Boy nang marinig, aniya, ang boses ng isang babae na nagsasabing hatiin niya ang kanyang ari. Kumuha siya ng blade at hinati sa dalawa ang kanyang ari. Hiniwa niya rin pati ang kanyang bayag.

Isinugod naman ito sa ospital para agad magamot.

Sinasabing may pagka-alcoholic ang biktima.

The post Lalaki pinutol ang ari dahil sa bulong ng babae appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki pinutol ang ari dahil sa bulong ng babae Lalaki pinutol ang ari dahil sa bulong ng babae Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.