Facebook

‘Killer’ ng Los Baños mayor timbog

LAGUNA – Nadakip na ng pinagsanib na mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batangas at Baguio City ang prime suspect sa pagpatay kay Los Baños Mayor Ceasar Perez, Martes ng hapon.

Sa ulat, kinilala ni PRO 4A Calabarzon Regional Director, Brig. General Eliseo Cruz, ang suspek na si Norvin Tamisin, dating konsehal ng Los Baños at residente ng Barangay Anos.

Bukod kay Tamisin, may dalawa pang suspek ang pinaghahanap ng pulisya.

Ayon sa talaan, napapabilang sa Number 6 Most Wanted Person (Regional Level) ang si Tamisin.

Naaresto si Tamisin 5:01 ng hapon ng Martes sa bahagi ng Bareng Drive, Bakakeng Sur, Brgy. Bakakeng, Baguio, City sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Rene Deveza Natividad ng RTC Branch 107, Los Baños, kaugnay ng kinasasangkutan nitong kasong ‘Murder’ na walang kaukulang piyansa.

Si Tamisin ang itinuturong primary suspect sa pagpaslang kay Perez noong Disyembre 3, 2020, base narin sa testimonya ng lumitaw na testigo.

Magugunitang nasa gawing likurang bahagi ng Los Baños Municipal Hall ang biktima nang barilin at kaagad namatay dahil sa mga tama ng bala na tinamo nito sa kanyang katawan.

Kasalukuyang nakapiit si Tamisin sa Batangas CIDG custodial cell. (Dick Garay)

The post ‘Killer’ ng Los Baños mayor timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Killer’ ng Los Baños mayor timbog ‘Killer’ ng Los Baños mayor timbog Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.