Facebook

Andaya nag-amok, kinasuhan ng hepe ng pulisya sa CamSur

SINAMPAHAN ng reklamong ‘kriminal’ ng hepe ng pulisya sa Pili, Camarines Sur si dating Congressman Rolando Andaya Jr., matapos itulak at bastusin ang mga pulis na nagtangka pigilan siya sa kanyang pang-aabuso at panununtok sa mga empleyado at security guard ng Partido Marketing Corporation nitong November 1.

Ang nagsampa ng reklamong “Unjust Vexation” laban kay Andaya sa Camarines Sur Provincial Prosecutor’s Office ay si Police Lt. Col. Ryan Atanacio, hepe ng Pili Police Station, matapos ang pagwawala o pag-amok ni Andaya kasama ang kanyang mga armadong bodyguards sa loob ng Partido compound sa Pili.

Ang pag-amok na ito ni Andaya ay viral sa social media ngayon ang mga video clip at mga report na nagpakita ng pang-aabuso at pambabastos ni Andaya sa insidenteng iyon.

Kasama sa reklamo ni Atanacio ang joint affidavit of complaint nina Police Lieutenant Jeson Max Barcenas at Corporal Jude Pius Olivares na naging saksi sa kabastusan at pagwawala ng dating mambabatas.

Bilang officers of the law na tinutupad ang kanilang tungkulin ng mga oras na yon, sinabi nina Barcenas at Olivares na sila ay “nainsulto, napahiya at nainis (“insulted, embarrassed and annoyed)” nang itulak si Barcenas ni Andaya at sinigawan pa ng “‘Huwag mo akong harangan!”

Ayon sa dalawang pulis, nagtungo sila sa Partido compound nang makatanggap ng report patungkol sa isang “road rage” incident diumano na kinasangkutan ni Andaya sa bandang Maharlika Highway sa harap ng Partido compound.

Nang dumating sila doon ay nakita nila si Andaya na sumisigaw ng pagalit at tangkang lalapitan ang isang tao doon kaya’t pinigilan nila ito para kumalma.

Pero sa halip na kumalma ay tinulak pa sila at sinigawan ng dating congressman, ayon sa dalawang pulis.

Nagsimula ang tila pag-aamok ni Andaya nang siya ay mapadaan sakay ng kanyang motorsiklo sa harap ng Partido compound, kungsaan sinabihan siya ng security guard na huminto dahil baka siya ay mahagip ng umaatras na sasakyan na palabas sa compound.

Sa halip na pakinggan ang abiso ng guard, nilapitan ito ni Andaya, sinigawan at sinuntok pa sa harap ng maraming saksi.

Binulyawan ni Andaya ang guard ng: “Wag na wag kang hahawak ng baril kung may kausap ka, hinawakan mo, kitang kita ko eh,” ayon sa mga saksi sa insidente.

Nakapaligid ang mga armadong bodyguard ni Andaya nang inaway at sinuntok nito ang guard.

Ayon sa mga saksi, maging ang mga empleyado ng Partido ay hindi pinalampas ni Andaya sa pagwawala niya. Sinigawan ang isang empleyado at sinabing: “Sabihin mo sa amo mo di ako takot, gago! Lalayo ka, habulin kita! Harapin mo ko o hindi?!”

Ang driver ng sasakyan ay nakiusap na huwag nang ibunyag ang kanyang pangalan, sinabing wala siyang interes na kasuhan si Andaya, marahil ay sa takot sa dating congressman na kalat sa Camarines Sur ang pagkabarumbado.

The post Andaya nag-amok, kinasuhan ng hepe ng pulisya sa CamSur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Andaya nag-amok, kinasuhan ng hepe ng pulisya sa CamSur Andaya nag-amok, kinasuhan ng hepe ng pulisya sa CamSur Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.