Facebook

OPISYAL NG ARMY, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL

DAVAO CITY – Patay ang dalawang sundalo at sugatan ang isa pa nang pagbabarilin ng kapwa nila sundalo na nag-amok sa loob ng headquarters sa Tagum City.

Kinilala ang namaril na si Staff Sgt. Arvin Bureros, habang ang mga napatay ay sina Major Franklin Embat at Technical Sgt Sandatu Tuma.

Nagtamo naman ng mga galos at gasgas sa katawan si Major Mine Heart Maliawao na nagawang makatakas sa pamamaril.

Ang mga ito ay pawang miyembro ng 10th Infantry Division ng Philippine Army.

Sa ulat, 6:30 ng gabi nang pagbabarilin ni Bureros ang kanyang mga kasamahan sa loob ng kanilang headquarters sa 10th Civil Military operations Batallion sa Brgy. San Agustin, Tagum City.

Halos inubos ni Bureros ang magazine na puno ng bala ng kanyang service firearms na R4 rifle sa katawan ng mga biktima.

Sumuko naman ang salarin 2:00 ng madaling araw ng Miyerkoles sa mga otoridad.

Inilarawan ni Capt. Mark Anthony Tito, hepe ng public affairs office ng 10th ID, na isang tahimik na tao si Bureros na halos 31 years na sa serbisyo. (Mark Obleada)

The post OPISYAL NG ARMY, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
OPISYAL NG ARMY, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL OPISYAL NG ARMY, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.