Sa pagdalo ni Senator Christopher “Bong” Go sa naging inagurasyon ng 7 bagong seaports ng Tagbilaran City nitong October 29 ay tumungo naman ang koponan nito sa Bohol nitong November 30 at namahagi ng ayuda sa libong mga residente na nabibilang sa sektor ng mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa video message ng aktibidad sa Pilar at President Carlos P. Garcia ay pinaalalahanan ni Go ang publiko na sundin ang government’s health and safety protocols, bilang babala na isang tao lang ang tamaan ng virus ay magsasadlak sa matinding hawaan, maoospital at magkakamatayan.
“Nakikiusap kami, habaan niyo ang inyong pasensya at sumunod sa mga quarantine protocols. Sana’y walang magpaespesyal. Isipin niyo, sa bawat isang positibo, pagkumalat ang Delta o anuman variant ‘yan, marami pong madadamay. ‘Yun ang ayaw nating mangyari, ang kumalat pa itong sakit na ‘to at bumagsak na naman ang ating healthcare system,” paalala ni Go.
Ang mga staff ni Go ay namahagi ng meals, vitamins at masks sa 4,000 residents ng Barangay Bagumbayan gym ng Pilar at Brgy. Eba gym ng President Carlos P. Garcia. Ang activities ay inilunsad kada-grupo bilang pagtalima sa protocols laban sa COVID-19.
May mga piling residente ang nabigyan ng bagong pares ng sapatos at bisekleta gayundin ng computer tablets para magamit ng kanilang mga anak sa pag-aaral.
Samantala, ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi naman ng financial assistance. Ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nagsagawa naman ng assessments para sa mga dapat mabigyan ng assistance programs.
Bilang tulong sa national vaccination campaign ng government ay hinimok ni Go na ang lahat ng mga residente sa Bohol ay magpabakuna at umapela rin ito sa government na ang mga fully-vaccinated members ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay mapagkalooban ng cash incentives.
“Ito ang pinaka-vulnerable sa populasyon natin … ang mga 4Ps households ang kinokonsiderang poorest of the poor. Sa paraang ito (incentives), maeenganyo natin silang magpabakuna, mabibigyan pa natin sila ng dagdag na tulong,” paliwanag ni Go.
Inialok din Go ang medical.assistance sa mga maysakit, matatanda at iba pang madadale ng COVID-19, na ang mga ito ay makahihinge ng tulong sa gobyerno sa pamamagitan ng Malasakit Center sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital ng Tagbilaran City o sa Don Emilio del Valle Memorial Hospital ng Ubay.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na kinaroroonan ng mga ahensiya tulad ng DSWD, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tutulong para mapagaan sa gastusing pinansiyal ang mga pasyente.
“Naghirap talaga kami dahil sa pandemya. Nag-aapply pa din ako kaya kumukuha na lang ako ng mga maliliit na trabaho para may makain ang mga kapatid ko. Wala na kasi kaming mga magulang. Nagapapasalamat ako ng malaki kay Presidente (Rodrigo) Duterte at Senator Bong Go at may pangbili kami ng mga pagkain,” pahayag ng benepisaeyong si Romero Aumentado, 23.
Sa pagtatapos ng message ni Go ay binanggit ang pagkilala niya sa mga personalidad na kinabibilangan nina 2nd District Representative Erico Aumentado, 3rd District Rep. Kristine Tutor, Governor Arthur Yap, Vice Governor Rene Relampagos, Pilar Mayor Necitas Cubrado at Vice Mayor Eugenio Datahan II, at Pres.Carlos P. Garcia Mayor Fernando Estavilla at Vice Mayor Nestor Abad sa pag-alalay ng mga ito sa kanilang constituents sa panahon ng pandemya.
Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance ay nagbigay tulong si Go sa mga inisyatibang makalilikha ng mga trabaho at tulong para sa local economy recover. Kabilang na rito ang concreting ng Bagumbayan, Pilar – Caluasan, Dagohoy road at ang local road ng Pilar gayindin ang installation ng coin-operated water system sa Pres. Carlos P. Garcia.
Umalalay din ito sa construction ng multi-purpose buildings sa Buenavista, Dauis, Loay, Alicia, Anda, Balilihan, Batuan, Danao, Dimiao, Duero, Garcia-Hernandez, Guindulman, Loon, Valencia at Tagbilaran City; improvement ng evacuation centers sa Panglao, Anda, Balilihan, Carmen, Corella, Garcia-Hernandez at Valencia; construction ng municipal slaughterhouse sa Inabanga; acquisition at installation ng solar-powered street lights sa Getafe; at acquisition ng multi-purpose vehicle at dump truck para sa local government ng Clarin.
The post LIBONG MGA BOHOLANO INAYUDAHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: