Facebook

Libreng antigen test sa mga bibisita sa Puerto Galera

HINDI na kailangang magprisinta ng negative RT-PCR test result sa mga bibisita sa Puerto Galera kasunod ng muling pagbubukas ng turismo sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Puerto Galera Municipal Administrator Carmela Datinguinoo na kapag fully vaccinated na ang mga turista ay hindi na kailangan ng RT-PCR bagkus yun na lamang mga nakatanggap pa lamang ng first dose o iyong mga wala pang bakuna.

Ito ay para makahiyat ang mga turista ay mag-aalok sila ng free antigen test na ibinibigay sa Batangas Grand Terminal. Tiniyak naman nito na may sapat na pondo ang Puerto Galera Local Government Unit (LGU) upang ma-sustain ang nasabing proyekto. Maliban sa mga turista, maaari ring makapag-avail ng libreng antigen test ang mga residente o yung mga nagbalik probinsya. Kilala ang Puerto Galera sa kanilang mga white beach.

Samantala magpapakalat ng tourism marshalls sa Puerto Galera kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga turista na tanyag dahil sa mga white beach.

Ayon kay Datinguinoo, titiyakin ng mga ito na nasusunod pa rin ang health & safety protocols. Maliban dito, may nakahanda rin silang ACU center o Acute COVID Unit Center na accredited ng Department of Health o DOH kung saan puwedeng magpapasok ng mga turista na positibo sa COVID-19. Mayroon din silang nakahandang isolation quarantine facility. Sa ngayon, nag-aaverage sa isang libong turista ang bumibista at nagbabakasyon sa Puerto Galera dahil mahigpit pa rin nilang sinusunod ang Inter-Agency Task Force o IATF protocol na 50% venue capacity.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Libreng antigen test sa mga bibisita sa Puerto Galera appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Libreng antigen test sa mga bibisita sa Puerto Galera Libreng antigen test sa mga bibisita sa Puerto Galera Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.