INSPIRASYON SA BUHAY: “… May mga taong masyadong palalo, ang akala nila’y kung sino na sila…” (Mga Kawikaan 30:13, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
COMELEC, DI PUPUWEDENG IDISKUWALIPIKA SI MARCOS SA KABILA NG HILING NG KANIYANG MGA KALABAN: Ang desisyon ng Korte Suprema noong 2009 na nagsasabing walang “moral turpitude” si dating Senador at ngayon ay Halalan 2022 presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay isa ng batas sa Pilipinas.
Dahil diyan, hindi ito pupuwedeng balewalain ng Commission on Elections, ayon kay Atty. George Briones, ang secretary general ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partidong kinaaniban ni Marcos at siyang nagsumite ng Certificate of Nomination para sa pagtakbo nito bilang pangulo sa Halalan 2022.
Ang ibig sabihin nito, dagdag ni Atty. Briones, dahil sinabi na ng Korte Suprema noon pang 2009 na walang “moral turpitude” si Marcos kahit na hindi siya nagsumite ng kaniyang mga income tax returns ng ilang taon noong siya ay gobernador ng Ilocos Norte, hindi ito pupuwedeng gamitin ng Comelec o ng kahit na sinong kalaban ni Marcos upang siya ay madiskuwalipika sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Sa kaniyang kalatas na ipinadala dito sa Kakampi Mo Ang Batas, niliwanag ni Atty. Briones ang ilang mga isyu na ibinabato ngayon kay Marcos ng kaniyang mga kalaban, pati na ng isang dating mahistrato ng Korte Suprema, upang hingin sa Comelec na siya ay madiskuwalipika o mapigilan sa pagtakbo bilang pangulo.
-ooo-
ANG PASYA NG KORTE SUPREMA NOONG 2009 NA WALANG “”MORAL TURPITUDE” SI BONGBONG AY BATAS NA DAPAT SUNDIN NG LAHAT, LALO NA NG COMELEC: Una, ayon kay Briones, ni walang dokumentong isinama ang mga petitioners sa petition for disqualification nila sa Comelec laban kay Marcos na nagsasabing may “moral turpitude” nga si Marcos.
Sinabi ni Atty. Briones sa Kakampi Mo Ang Batas: “When you file a petition before the Comelec to cancel the certificate of candidacy of a candidate based on Section 12 of BP 881, you must attach to your petition an actionable document, which is a judgment against respondent finding him guilty of a crime involving moral turpitude….”
Sa kasamaang palad, wala man lamang isinamang kahit na katiting na ebidensiya ang mga humihingi na madiskuwalipika si Marcos sa kasong “Fr. Christian Buenafe, et. al. vs. Ferdinand Marcos Jr.” Sabi ni Atty. Briones: “ The petitioners did not attach any final judgment against respondent of a crime involving moral turpitude to their petition in SPA No. 21-256 … before the COMELEC. As read, their petition is based only on the legal opinion of the writer, and therefore a mere scrap of paper…”
Sinasabi ni Briones, “saan ka naman nakakita ng petisyong humihingi ng disqualification ng isang kandidatong pagka-pangulo na ang pinagbabatayan nila ay yung opinyong legal lamang ng isang manunulat?”
-ooo-
PETITION FOR DISQUALIFICATION KONTRA MARCOS, WALANG ISINAMANG EBIDENSIYA: Ang mas matindi pa, ayon pa din sa kalatas sa Kakampi Mo Ang Batas ni Atty. George Briones, ang general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas, tila hindi nauunawaan ng mga petitioners laban kay Marcos, at maging ng kanilang mga abogado at mga advisers na nagmula din noon sa hudikatura, na kung ang batayan ng kanilang kaso ay ang desisyon ng Court of Appeals, kailangang tanggapin nila na tama ang nasabing desisyon ng appellate court.
Pero, hindi tinatanggap ng mga petitionres na legal ang naging desisyon ng Court of Appeals dahil ito ay void from the beginning diumano. Kung void ang Court of Appeals decision, di lalong walang batayan ang disqualification laban kay Marcos kasi wala siyang conviction, ayon din sa ibang mga abogado. Sinabi ni Atty. Briones: “If you say that the Court of Appeals decision is void, how can you say in the same breath that the same decision is your legal basis for disqualifying Marcos?”
Nilinaw din ni Atty. Briones na ipagpalagay ng walang bisa ang naging desisyon ng Court of Appeals na pumapabor kay Marcos, ito naman ay kinatigan na ng Korte Suprema. Ang pagkatig ng Korte Suprema kay Marcos ay ginawa sa pamamagitan ng kaniyang desisyon, at ang pagkatig na ito kay Marcos ay pinal na, hindi na pupuwedeng baguhin, kahit pa magpalahaw ng iyak ang kaniyang mga kalaban.
Maaring may nagkamali marahil sa mga pangyayaring ito, pero may pagkakamali man o wala, ang pasya ng hukuman, lalo na ng kataas-taasang hukuman, ay nagiging batas na hindi na pupuwedeng balewalain ninuman, maliban na lang ng Korte Suprema din, sa isang kaso ding makaabot dito. Pero, habang hindi nababalewala ang desisyon ng Korte Suprema, nananatili itong may bisa na dapat sundin ng lahat, lalo na ng Comelec.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.
The post Marcos, di puwedeng i-diskuwalipika ng Comelec appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: