
HAYAAN ninyo na talakayin namin ang dalawang paksa na mainit ngayon. Una, ang halalang pampanguluhan sa 2022 kung saan patuloy na umiinog ang proseso at naglalantad na ang mga kandidato sa panguluhan; at pangalawa, ang proseso sa International Criminal Court kung saan mukhang madidiin si Rodrigo Duterte bilang lider na nag-utos sa walang awang pagpatay sa mga mamamayan na pinaghinalaan na sangkot bilang adik o pobreng tulak sa madugo pero bigong digmaan kontra ilegal na droga.
Unahin natin ang ICC. Hindi ordinaryong hukuman ang ICC. Hindi ito katulad ng mga lokal na hukuman kung saan nabibili, nauutusan, at naiimpluwensiyahan ang mga huwes, mga saksi, at mga manananggol na tumatayo upang ipagtanggol o usigin ang mga nililitis. Isang pandaigdigang hukuman ang ICC kung saan inuusig at nililitis ang mga lider ng iba’t-ibang bansa na lumalabag sa karapatang pantao ng kanilang mamamayan. Hindi nasusuhulan ang ICC. Alam ito ni Duterte at mga kasapakat sa madugong digmaan kontra droga.
Tumatayo ang ICC bilang institusyon ng pandaigdigang sistema sa katarungang pangkriminal (international criminal justice system). Binubuo ang ICC ng mga nilikha mula sa iba’t-ibang bansa na may malalim na paninindigan sa karapatang pantao. Sila ang mga taong sumumpa na hindi na mangyayari uli ang walang humpay na patayan at paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Alam ni Duterte na hindi niya mabibili ang ICC kahit tapalan niya ang mga mahistrado at kawani ng bilyong piso.
Kamangmangan ang pinakamalaking problema ni Duterte at mga kasapakat. Hindi nila alam na may institusyon ng pandaigdigang hukuman nang ilunsad nila noong 2016 ang digmaan kontra droga. Sa kanilang akala, maaari nilang gawin ang bawat nais kahit hindi alam ang kahihinatnan. Pumaimbulog sa nakaraang 25 taon ang pandaigdigang hukuman kung saan dadalhin ng mga mamamayan ang daing sa pang-aabuso sa poder ng kanilang lider.
Sumulong ang sakdal na crimes against humanity na unang iniharap nina Sonny Trillanes at Gary Alejano noong 2017 laban kay Duterte at mga kasapakat tulad ni Bato dela Rosa, Dick Gordon, Alan Peter Cayetano, Jose Calida, at iba pa. Pagkatapos ng unang pagsisiyasat na tumagal ng apat na taon, iniutos ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang formal investigation sa sakdal. Kamakailan, bumaba ang utos ng ICC na bigyan ng limited immunity ang bumaligtad na si Arthur Lascanas, isa sa dalawang triggerman ng Duterte Death Squad.
Hindi maaaring gamitin upang usigin si Lascanas sa mga sinumpaang pahayag, o affidavit, na isinumite sa ICC. Maraming ebidensiya ang isinumite sa ICC. Kasama ang mga affidavit, police report, video clip, at iba pa na sikretong ibinigay sa ICC. Nagtrabaho ang ilang manananggol sa karapatang pantao at kinausap ang mga pamilya ng biktima. Hindi ito alam ni Duterte. Masyado niyang pinakingggan ang payo ni Harry Roque na walang mangyayari sa sakdal.
***
TUNGKOL sa halalan sa 2022, tuluyang nagmaniobra si GMA sa kandidatura ni Sara Duterte, alkalde ng Davao City, at naitsapwera ng tuluyan si BBM. Iniwan ni Sara ang Hugpong ng Pagkakaisa, ang lapian na kanyang itinayo at ipinundar noong 2019 at sumapi sa Lakas-NUCD, ang lapian ni GMA. Hindi sumama si Sara sa anumang paksyon ng PDP-Laban, ang lapian ng kanyang ama. Mistulang walang kuwenta si BBM sa takbo ng mga pangyayari.
Hindi alam ni BBM kung saan susuling dahil pinaglaruan siya nina Sara at GMA. Ngunit sinabi niya na tuloy ang kanyang kandidatura sa panguluhan. May nagtulak ng kombinasyon na BBM-Sara, o Sara-BBM, ngunit hindi ito kinagat. Naglayag na mag-isa si Sara dahil naniniwala siya na siya ang may panalo sa hilera ng mga nagsulputang kandidato. Sapat ang alyansa niya kay GMA upang manaig sa 2022.
May mga haka-haka habang isinusulat namin ang kolum na ito na gagamitin nina GMA ang probisyon ng substitution sa ilalim ng batas sa halalan. Papalitan ni Sara ang nangangalang Anna Capella Velasco bilang kandidato sa pangulo. Si Velasco ang unang nabalitang nagpalista bilang placeholder ng Lakas-CMD. Si Lyle Fernando Uy naman ang nakalista bilang placeholder candidate sa pangalawang pangulo ng Lakas-CMD.
Mukhang isinusulong si Gibo Teodoro, dating kalihim sa tanggulang bansa ni GMA, bilang kandidato sa bise presidente ni Sara. Ngunit may pahayag mula sa kampo ni Gibo na senador ang tatakbuhin ng nagbabalik na pulitiko. Halos 12 taon na namahinga sa pulitika si Gibo mula ng matalo siya noong 2010 sa kanyang pinsan na si Pnoy. May mga nagsabing si Manny Pacquiao ang katambal ni Sara.
Walang malinaw na galaw sa paksyon ni Alfonso Cusi sa PDP-Laban. Mistulang gamu-gamo na paikot-ikot si Bato dela Rosa kay Sara. Si Bato ang opisyal na kandidato sa panguluhan ng PDP-Laban bagaman hindi sila kinikilala bilang isang seryosong kandidato. Samantala, mukhang uurong na si Bong Go sa kanyang pagtakbo bilang pangalawang pangulo. Hindi rin siya sineseryoso bilang kandidato.
\Mukhang matatag ang tambalang LeniKiko at walang nakikitang galaw kontra sa kanilang kandidatura. Tuloy-tuloy lang program ng kanilang kampo na madalas na motorcade sa iba’t-ibang panig na bansa. Totoong desidido ang dalwang kandidato na pangunahan ang puwersa ng demokrasya upang maagaw ang Malakanyang sa pumapalpak na Grupong Davao.
***
MAYROON akong post noong Huwebes. Pakibasa:
GUYS: Don’t lose your focus. The rumor mill has been grinding to show the madman at war with Imee and BBM. BBM was peeved after the Supreme Court had ruled, albeit unanimously, to dismiss BBM’s electoral protest against Leni Robredo. This is purportedly to weaken BBM’s presidential bid in 2022. It was rumored too that Imee, to spite the madman, was alleged to have been one of the guys who led in the Pharmally scandal expose. She was said to have help Crooked Dick, a former marcosian loyalist. To get even the madman had maneuvered to have BBM out of the political scene. The madman worked to field Sara; BBM is not even Sara’s running mate. True or not, these rumors keep on swirling. We could only offer a sigh of relief.. Sige, maglaslasan kayo ng lalamunan. Sana walang matira sa inyo.
***
MGA PILING SALITA: “ Kung nanalo si Dutz nung 2016 dahil sa gimik na substitution, si Sara hindi mananalo sa parehong gimik. Gasgas na ang taktika na yan eh. Nagsisisi na ang mga nagoyo nung 2016 at ayaw na nila maulit ito. Dapat palitan na ni Sara ang gimik nya. Bakit hindi na lang sya lumundag sa helicopter na walang parachute? Kung lalapag sya sa lupa at buhay pa sya ibig sabihin itinadhana talaga sya na maging Presidente ng bansa.” – Rodolfo Hilado Divinagracia, netizen
“Kaya nga Inferior Davao ang tawag sa kanila. Inutil sila sa bagyo, baha, lindol, pagputok ng bulkan, landslide, at ibang sakuna.” – PL, netizen
The post Madidiin sa ICC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: