
Kasabay ng pagbibida sa mga magagandang nagawa ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko standard bearer Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Maynila, sinabi naman ni Cabuyao Mayor Rommel Gacolea na naging inspirasyon nila ang alkalde at ginaya ang kanyang mga programa.
Sinabi ni Mayor Gacolea, sa ugnayan sa mga sektor ng kabataan at barangay workers sa Barangay Sala, Cabuyao na isa rito ang ginawang paglilinis ni Moreno sa Divisoria at Quiapo maging ang educational allowance ng mga estudyante ay posibleng ipatupad na rin sa bayan ng Cabuyao.
Katunayan aniya, ang palengke ng Cabuyao ang pinakamalinis sa buong Laguna.
Sa harap ng mga kabataan, ipinaalala naman ni Moreno ang kahalagahan ng edukasyon dahil aniya ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ayon sa Presidential aspirant, hindi mananakaw ninuman ang edukasyon at ito’y hindi namamana kundi itoy pinagsusumikapan ang daan para sa pag-angat ng buhay
“Maaring mangyari rin sa inyo, ang nangyari sa akin, hindi ako anak ng presidente, ang tatay at nanay ko ay katulad din ng mga tatay at nanay ninyo pero pinilit kong idaos ang pag-aaral ko,” ani Moreno.
Malugod namang tinanggap at sinalubong ng mga Cabuyaoenyo ang team Bilis Kilos kasama sina Vice Presidential Doc Willy Ong, at senators Samira Gutoc, Jopet Sison at Carl Balita.(Jocelyn Domenden)
The post Programa ni Isko, inspirasyon ng Cabuyaoenyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: