
UMARYA na naman ang malikot na galawan ngayong nalalapit na ang halalan para sa mga mamumuno sa bansa at sa mga bawat bayan na bahagi sa hanay ng mga politiko ay nariyan na ang siraan ng mga kredibilidad.., pero mayroon palang nahalal sa pagiging mambabatas sa isang bayan ng RIZAL PROVINCE na wala man lamang nagawa o nalikhang MUNICIPAL RESOLUTIONS at ORDINANCES?
Sayang ang ibinigay na tiwala ng mga botante sa mga politiko.., nangakong gaganap ng kanilang tungkulin para sa kapakanan ng kanilang constituents subalit wala man lang nagawang anuman sa pagiging isang mambabatas o sa pagiging CITY o MUNICIPAL COUNCILOR.
Siyempre pa.., mas nakapanghihinayang sa ipinapansuweldo sa mga nahalal na hinde man lamang magampanan ang kanilang trabaho.
Sa tinaguriang GARMENT CAPITAL OF THE PHIPPINES na bayan ng TAYTAY sa lalawigan ng RIZAL ay mistulang pulutan sa umpukang kuwentuhan hinggil sa isinapublikong ulat ng SANGGUNIANG BAYAN ng TAYTAY.., dahil mayroon palang isang COUNCILOR sa kanilang bayan na BOKYA o WALANG NAGAWA.
Batay sa MUNICIPAL COUNCIL REPORT para sa peryodo ng July 20, 2020 hanggang nitong June 2021.., ang nangulelat o walang ginawa ay si COUNCILOR SOPHIA PRISCILLA CABRAL na may record na AUTHORED RESOLUTION (AR) – 0 at AUTHORED ORDINANCE (AO) -0; sunod sa kaniya ay si COUNCILOR RODA MAY DIÑO na may record na AR – 1 at AO- 0. Ang pinakamasipag at nagampanan ang pagiging mambabatas ay sina COUNCILOR KYLE GEORIC GACULA na may record na AR – 36 at AO – 14; at COUNCILOR CEFERINO RESURRECCION JR na may record na AR – 28 at AO – 17.
Sa naturang bayan ay laman ng umpukang kuwentuhan ang kulelat na si SOPHIA dahil sa pagiging BOKYA nito na maaaring resulta umano sa pagiging absenera nito sa COUNCIL SESSION at sa kaniyang tanggapan. Sabi nga sa tunog ng pulutang umpukan ay mas minabuti na lang sana ni SOPHIA ang kaniyang pagiging COMMERCIAL MODEL kaysa hinangad ang titulong COUNCILOR.
Bunsod nito ay marami sa kanilang constituent ang nagtataas ng kilay dahil ano raw ba ang kredibilidad ni SOPHIA sa paghahangad niyang maging TAYTAY VICE MAYOR.., kaya naman aktibo raw ngayon ang grupo nina ‘MARITES’ at ‘MARISOL’ para mabasag ang 2 EGGS na nagampanan ng kanilang COMMERCIAL MODEL.
Ang latest sa naturang bayan ay ina-update nina ‘MARITES’ at ‘MARISOL’ ang performance sa lahat ng mga artistang pumalaot sa larangan ng POLITICS na ilan sa mga ito ay nagbutas lamang ng kanilang mga upuan makaraang maihalal sa puwestong kanilang kinandidatuhan…, bukod diyan ang halos perpekto sa attendance pero nakatunganga naman sa sesyon.., o ang iba naman ay papasok lamang sa trabaho sa araw ng suwelduhan.
Kaya naman, lumalarga na ang kampanyahan ng mga kakandidato para sa halalang 2022 at nasa pagpapasya na ng mga botante…, sabagay, ang mga botante ay may kanikaniyang pansariling interes din sa politikong kanilang ikinakampanya at sana ang mga maihalal sa buong bansa ay yaong mga mapapakinabangan ng sambayanan o ng kani-kanilang mga constituent!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Mambabatas na walang nalikhang ordinansa o batas? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: