Facebook

Marites bago ang Nov. 15 deadline ng substitution

TALAGANG kaabang-abang itong deadline ng substitution para sa mga kandidatong aatras at papasok para sa Halalan 2022.

Ang “Marites”… aatras si Senador Manny Pacquiao sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo at mag-Vice o running mate nalang ni Manila Mayor Isko/Yorme Moreno. Kasunod narin ng pagwidro ng malaking grupong MP Nation sa boxing-politician at sumanib kay Yorme.

Ang mangyayari… aatras din sa pagka-Vice ni Pacquiao si Buhay Partylist Representative Lito Atienza para tumakbong Mayor sa Maynila laban kay Vice Mayor Honey Lacuna.

Nararamdaman marahil ni Atienza na NO WIN siya para sa Vice President at mas malaki ang tsansa niyang makabalik sa pagka-alkalde ng Mayila dahil mahina ang makakatunggaling si Lacuna, na inirereklamo ng mga trabahador ng Lungsod dahil hindi raw approachable, sosyal, may pagka-maldita, lalo ang mister niyang si Dr. “Poks” na mainit sa healthcare workers.

Si Pacquiao ay talagang malaki ang tsansang manaig sa VP laban kina Senate President Tito Sotto, Senador Kiko Pangilinan at Sen. Bong Go dahil mas malapit siya sa masa.

Kapag nagsanib sina Isko at Pacquiao ay lalakas ang kandidatura ng “Batang Manilenyo” sa Mindanao na balwarte naman ng Pambansang Kamao.

Tapos ang kasalukuyang VP ni Isko na si Dr. Willy Ong, ang vlogger doctor na may higit 16 milyong followers sa social media, ay aprub naman daw na bumaba sa pagka-Senador dahil mas malaki ang tsansa niyang manalo rito. Mismo!

Ang isa pang pinakaabangan ay ang pagsanib nina Presidentiable Bongbong Marcos at Vice Presidentiable Sen. Bong Go.

Si Marcos, mas sikat sa tawag na BBM, ay kasaluku-yang nangunguna sa mga survey. Si Go naman ay umakyat na sa No. 2, sa likod ni Pangilinan, sa latest online survey ng pahayagang Manila Bulletin.

Kapag nagsanib ang Marcos-Go o Bongbong-Bong ay lalong lalakas ang kandidatura ni Marcos lalo’t inendorso na ito ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Sara, ang founder ng nangungunang regional party ‘Hugpong ng Pagbabago’, ay nagdesisyon na mag-reelect nalang kesa “manahin” pa ang napakalaking problemang iiwanan ng kanyang ama (Pres. Digong).

Pero may problemang malaki ngayon si BBM. Pinadi-disqualify siya ng isang grupo sa Comelec dahil “convicted” pala ito sa kasong tax evasion, hindi nag-file ng kanyang income tax return ng ilang sunod na taon noong 1990s. Na-convict siya ng Quezon Regional Trial Court noong 1995. Hindi na raw ito nag-apela sa Korte Suprema matapos pagtibayin ng Court of Appeals ang tax evasion case nito.

Sabi naman ng kampo ni BBM, “predictable nuisance petition” ang inihain ng grupo ng political detainees, human rights at medical organizations.

Sabi ng abogado ni BBM na si Vic Rodriguez, hindi muna nila sasagutin ang petition hangga’t hindi pa nila ito nababasa.

Ito talaga ang problema kapag tumakbo kang presidente, mahahalukay ang lahat ng sekreto mo sa buhay. Hehehe…

Remember late Fred Lim? Tumakbo itong Presidente noong 1998. Nanguna siya sa survey. Inakusahan siyang Chinese citizen. Marami ang naniwala, laglag si Lim.

Anyway, abangan natin itong Nob. 15, marami pang mababago sa lineup ng presientiables. Huwag bibitaw…

The post Marites bago ang Nov. 15 deadline ng substitution appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Marites bago ang Nov. 15 deadline ng substitution Marites bago ang Nov. 15 deadline ng substitution Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.