Facebook

VPGO Coalition, inilunsad ng grassroots leaders para sa VP bid ni Bong Go

NAGPAHAYAG ng lubos na pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang mga tagasuporta kaya naman muling idiniin ng senador na patuloy na uunahin ang kapakanan, kabutihan at interes ng mga Filipino kung siya ang maihahalal na susunod na pangalawang pangulo ng bansa.

Inilunsad ang Let’s Go VP GO Coalition sa isang event sa Subic Bay Travelers Hotel, at may 50 parallel groups ang nagsabing susuportahan nila ang vice presidential bid ni Go sa May 2022 elections.

Sa kanyang virtual speech, binanggit ni Go na itutuloy niya ang positibong pagbabago na ginawa ng Duterte administration sa pagsasabing kailangang masustina ang mga vision ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod pang mga taon.

Aniya, magpopokus siya sa peace and order, infrastructure, education, access sa dekalidad na health care at iba pang serbisyong panlipunan.

“I accepted the challenge, sabi ko hindi ko sasayangin ito. Sabi ng ating Pangulo, ‘ipagpatuloy mo lamang, Bong, ang mga nagawa ko para sa ating mga kababayan. Dagdagan mo pa, dagdagan mo pa ang magagandang programa,” ani Go.

“Ang natutunan ko po kay Pangulong Duterte at hindi ko kailanman makakalimutan ay ‘yung mahalin mo ang iyong kapwa Pilipino. Hinding hindi ka magkakamali. ‘Yun po ang ginagawa ko. Ipagpapatuloy ko po ‘yung mga magagandang programa ng ating mahal na Pangulo,” idinagdag niya.

Ngunit sinabi ni Go na hindi magiging madali sa kanya na magampanan ang lahat nang ito kaya kailangan niya ng tulong dahil 100 porsiyento na siyang desidido sa pagtakbong Vice President.

“Magta-trabaho po ako. God-willing, I will be a working Vice President. Walang oras o minuto na masasayang,” anang senador.

Kung mahahalal, sinabi ni Go na makikipagtulungan siya na maibalik sa normal ang sitwasyon sa bansa at tutulong na malabanan ang kahirapan.

Nakahanda aniya siyang makinig sa concerns ng vulnerable sectors para mabigyang solusyon ang araw-araw nilang paghihirap.

“Ang isa po sa mga ipinamana sa atin ni Tatay Digong na hinding hindi kayang tumbasan ng anumang halaga ay ‘yung tunay na pagmamahal sa bayan,” sabi ni Go.

“Importante po sa amin ni Pangulong Duterte trabaho ng bawat Pilipino at mayroon pong makain sa kanilang hapagkainan, mayroon silang maidala sa kanilang pamilya,” aniya.

Tiniyak din ni Go ang pakikiisa sa Muslim Filipinos sa pagsasabing itutuloy-tuloy niya ang long-term peace sa Mindanao na nasimula ni Pangulonbg Duterte.

Iginiit niya sa susunod na administrasyon na ipursige peace and development sa Mindanao.

“Alam n’yo kung gaano namin kamahal ni Pangulong Duterte ‘yung mga kababayan nating Muslim. Noon pa man, no’ng mayor pa siya ng Davao hanggang ngayon, kung ano po ang pagtrato namin sa inyo ay pantay-pantay,” ani Go.

“Kahit na dito sa Davao ay mayroon pong anti-discrimination law dahil ayaw naming nagkakaroon po ng diskriminasyon dahil para sa amin ni Pangulong Duterte ay ang mga kapatid nating Muslim, tayo po ay Pilipino,” ayon sa senador.

The post VPGO Coalition, inilunsad ng grassroots leaders para sa VP bid ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VPGO Coalition, inilunsad ng grassroots leaders para sa VP bid ni Bong Go VPGO Coalition, inilunsad ng grassroots leaders para sa VP bid ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.