Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbong senador sa 2022 at tiniyak niya sa publiko na kung mahahalal ay prayoridad pa rin ng Pangulo ang kapakanan ng Filipino.
“He is considering, pinag-aaralan niyang mabuti. Kung makakatulong ba sa bayan… he might. Kino-consider n’ya po ‘yung pagtakbo,” ang sabi ni Go sa isang panayam.
Ayon kay Go, inaaral muna ng Pangulo ang ilang bagay bago magdesisyon kung tatakbo o hindi sa pagkasenador.
Aniya, bukas si Duterte sa suhestyon lalo kung makatutulong ito para manalo ang mga kandidato ng administrasyon.
“Siyempre tinitingnan din niya ‘yung slate ng administration ng PDP. Kung makakatulong siya na mas maraming mananalo sa part ng administration, iyon ang kino-consider,” ani Go.
“And of course, ‘yung pagseserbisyo sa bayan bilang inyong Tatay Digong. Ito proven and tested na po ‘yung kanyang pagseserbisyo sa ating mga kababayan hindi lang sa salita kung ‘di sa gawa,” idinagdag ng senador
Matatandaang inuudyukan si Pangulong Duterte ng kanyang ruling party PDP-Laban na kumandidatong senador sa 2022 elections.
Kinumpirma ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ang party president, na maraming nananawagan na ikonsidera ni Duterte ang pagtakbo sa Senado.
Bagama’t sobrang kuwalipikado na maging Senate President si Duterte kapag nahalal na senador, masyado pang maaga upang ito ay pag-usapan lalo’t ang Senate leadership ay dinedesisyonan ng collegial body.
“Masyado pang maaga sigurong pag-usapan ‘yan dahil hindi naman natin alam kung sino ang mananalo, who will compose the majority. Kadalasan diyan ay pipiliin po ng majority. But, bilang former president ay napakalaking bagay ‘yon sa kanyang ah, leadership ‘no, nanggaling sa pagka-presidente,” sabi ni Go.
“Siguro masasabi naman ni Pangulo na nabanggit niya kung ano ‘yung mga programa na makakatulong pa siya, na maipagpapatuloy ‘yung mga programa na magaganda na nakakabenepisyo naman sa mga kababayan natin ay isusulong niya rin po, dahil naging mambabatas na rin siya noon, naging congressman na rin po siya at naging presiding officer rin po siya ng… as vice mayor, twice sa Davao,” idinagdag ng senador.
Samantala, sinabi ni Go na magpupulong ang PDP-Laban officials bago mag-November 15 para ipinalisa ang kanilang mga magiging kandidato sa darating na halalan.
“Yes. Parati namang nag-uusap ang PDP about that. Ako naman… sigurado na ‘ko. Kandidato na po ako at desidido na ‘ko diyan. Consistent naman ako, always po akong consistent kung ano po ‘yung sinabi ko. So, 100% dito na ko bilang kandidato as vice president,” ani Go.
The post Pagtakbong senador, pinag-iisipan ni PDu30 – Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: