Facebook

Louie Garcia bats for a better Oton (Iloilo)

ISANG matagumpay na negosyante, civic leader at pilantropo itong si Ginoong Louie Garcia na ang sinilangang bayan ay sa Oton, Iloilo.

Makaraang makipagsapalaran at magtagumpay sa karerang kanyang tinahak dito sa kalakhang-Maynila, nais ni Garcia na muling balikan ang kanyang bayan sa Oton, Iloilo upang kanyang pagsilbihan at lingapin para maging isang maunlad na pamayanan.

Si Kuya Louie Garcia ay kasalukuyang Chapter President ng pinagpipitagang samahan ng “The Fraternal Order of Eagles-Philippines (TFOE-PHL).

Isang organisasyon na binubuo ng mga respetadong indibidwal na kinabibilangan ng mga matataas na heneral,opisyal ng gobyerno ,negosyante, at civic/patriotic responsible citizens ng ating bansa.

Nagsasagawa ang nasabing grupo ng mga outreach activities para makapaghatid ng tulong sa mamamayan.

Opisyal din ng Knights of Rizal si Kuya Louie na ang tila bisyo ay magkaloob ng malasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa.

Second nature na ni Ginoong Garcia na tumulong at maging bahagi ng mga aktibidades na maghatid ng tulong sa mga nangangailangan (civic works).

Sa aspetong ito, napagtanto ni Kuya Louie na “it’s high time” na ipagkaloob naman niya ang kanyang serbisyo,atensyon at focus sa kanyang sinilangang bayan at mga “kabanua” (kababayan) sa Onton, Iloilo.

Ito ang pangunahing dahilan o layon kung bakit napagpasyahan ni Kuya Louie na magsumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang mayor ng bayan ng Oton.

Ipinanganak si Kuya Louie Garcia sa Sta. Monica Oton, Iloilo noong Pebrero 25, 1974.

Nais ibahagi ni Kuya Louie sa kanyang bayan at mga “kabanua” ang kanyang karanasan, expertise at resources para sa higit na ikauunlad ng kanyang mahal na bayan at ng mga mamamayan nito.

Sa mahabang panahong inilagi ni Kuya Louie dito sa Metro Manila, walang oras o panahong pinutol nito ang kanyang estado bilang isang responsible and true blue Otonian.

Pandalas nakikibahagi ito sa pagkakaloob ng tulong sa kanyang mga kababayan sa mga oras ng pangangailangan.

Ika nga, distance have never been an issue sa pagkakaloob ng tulong para sa kanyang mga “kabanua’.

Kung nagagawa ni Kuya Louie na magkaloob ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa thru the outreach programs na kanyang civic groups na aktibo niyang kinabibilangan at pinamumunuan, mas dapat marahil pagkalooban nito ng higit na atensyon at panahon ang kanyang mga mahal na kababayan sa Oton.

Sa pagtakbong ito ni Kuya Louie Garcia bilang alkalde ng nasabing bayan,binalangakas nito ang kanyang plataporma de gobyerno na malinaw na nakasentro sa 7-priority agendas para sa pagtimon ng bayan ng Oton in bringing back its old glory.

These are;
1.Education
2.Transportation
3.Economy
4.Health
5. Environment
6.Tourism
7.Transparency

Buo ang paniniwalala at pananalig ni Kuya Louie na sa mga priyoridad na ito na nais niyang isakatuparan sa ilalim ng kanyang administrasyon sakaling pagkalooban ng pagkakataon ng kanyang mga mahal na kababayan sa Oton ay muli nitong maibabalik ang dating sigla at dangal ng kanyang bayang sinilangan.

Naisin din ni Kuya Louie Garcia na maging halimbawa ng kanyang pamamahala sa bayan ng Oton ang prinsipyo ng “puro gawa kesa dada”.
Less talk, more actions!

Hindi mangangako pero totoong magta-trabaho!

Kuya Louie Garcia para alkalde ng Oton!

For a better Oton!

Go go go Kuya Louie!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.

The post Louie Garcia bats for a better Oton (Iloilo) appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Louie Garcia bats for a better Oton (Iloilo) Louie Garcia bats for a better Oton (Iloilo) Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.