DAHIL sa nakakaengganyong resulta at dami ng bilang ng mga edad 12-17 na nagpabakuna nitong Miyerkules, Nov. 3, agad na nakipagpulong si Manila Mayor Isko Moreno kay Vice Mayor Honey Lacuna upang ilatag ang plano ng mass vaccination ng lungsod at gawin na ito sa mga shopping malls upang mas marami ang mabakunahan.
Si Moreno, kasama sina Congressman Yul Servo, Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla ay personal na tumulong sa vaccination ng mga minors , kung saan si Lacuna mismo ang nanguna.
Kapwa nag-ikot sina Moreno at Lacuna sa mga pila sa ospital upang pasalamatan ang mga magulang na sinamahan ang kanilang anak sa pagpapabuka ng libre. Sinabi ng alkalde na hindi lamang ito para sa proteksyon ng mga kabataan kundi bilang paghahanda rin sa posibilidad na muling pagbubukas ng limited face-to-face classes.
Simula nitong Miyerkules hanggang Huwebes, sinabi ni Moreno, na tumatakbong pangulo sa ilalim Aksyon Demokratiko party, na ang mass inoculation ay gagawin sa anim na city-owned hospitals at sa weekend, ito ay ililipat na sa apat na shopping malls na dati ring ginamit sa pagbabakuna ng mga matatanda.
“Mas maluwag mas makakarami at makakapamasyal na din ang mga bata. Excited kami ni Honey para sa mga bata,” pahayag ng alkalde na nagsabi rin na unstable sa mga ospital, lalo na kung umulan.
Ayon kay Lacuna, ang bakunahan noong isang linggo ay kakaunti lamang ang pumuntang minors with comorbidities kaya naman ang bakunahan nitong Miyerkules para general population ng minors ay ginawa lang sa mga ospital.
Ayon kay Moreno, mahigit na 51,000 minors mula sa general population ng 12 hanggang 17 anyos ang nagrehistro para sa vaccination at ang lungsod ay may 120,000 doses ng Pfizer para sa kanila.
Ayon pa sa alkalde, tulad din sa kaso ng adult population, ang mga bedridden minors ay pupuntahan ng personal sa kanilang bahay upang doon turukan ng bakuna. (ANDI GARCIA)
The post Para mas maraming mabakunahan: JABS NG 12-17 ANYOS, GAGAWIN NA SA MGA MALLS – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: