Facebook

Mga pulis ‘escort’ ng mga pulitiko, pina-recall ng PNP Chief

SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pag-recall ng lahat ng mga pulis na naka-talaga bilang security escort sa mga politikong tatakbo sa darating na halalan.

Ayon kay PNP Chief Lt. Gen. Dionardo Carlos, ang hakbang na ito ay dahil kailangan munang mag-apply ng exemption sa Commission on Elections (Comelec) ang mga politiko at patunayang may banta sa kanilang buhay.

Kailangang may pahintulot na aniya sila mula sa Comelec bago sila bigyan ng security detail ng Police Security Protection Group. Paalala naman ng PNP chief sa mga pulis na maitatalaga sa mga kandidato na ang kanilang papel ay magbigay lang ng seguridad at hindi tumulong sa kampanya.

***

Samantala aalamin ng Philippine National Police (PNP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga partikular na health protocols na ipapatupad sa panahon ng pangangampanya.

Ayon kay PNP Chief Carlos, kailangang may malinaw na guidelines ang PNP kung ano ang mga pinapayagang aktibidad sa kampanya sa ilalim ng iba’t ibang alert level.

Sa oras na may guidelines na ay agad nila itong ipatutupad.

Paalala naman ng PNP chief na sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi dahilan para magpabaya na sa pagsunod sa minimum public health standards.

Panawagan naman PNP chief sa mga kandidato na pulungin ang kanilang mga supporter at campaign staff para planuhin kung paano maisasagawa ang kanilang kampanya nang hindi lalabag sa health protocols.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Mga pulis ‘escort’ ng mga pulitiko, pina-recall ng PNP Chief appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga pulis ‘escort’ ng mga pulitiko, pina-recall ng PNP Chief Mga pulis ‘escort’ ng mga pulitiko, pina-recall ng PNP Chief Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.