Facebook

Disqualification cases, inihahanda vs mga kandidatong nangangampanya na

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y pinatay sa laman, at muling binuhay sa espiritu…” (1 Pedro 3:18, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

MGA ABOGADO, NAGHAHANDA UPANG IPA-DISKUWALIPIKA ANG MGA KANDIDATONG NGAYON PA LAMANG AY NANGANGAMPANYA NA: May mga abogado ngayon na naghahanda sa pagsasampa ng kaso upang madiskuwalipika ang mga kandidato sa pambansang posisyon na kahit na wala pa man ang panahon ng pangangampanya ay puspusan ng nangangampanya sa buong bansa, bagamat ang sinasabi nila ay mga “listening tours” lamang ang kanilang ginagawa.

Ito ang natanggap na pasabi ng Kakampi Mo Ang Batas noong umaga ng Lunes, Nobyembre 15, 2021, mula sa ilang mga lawyers’ groups at mga individual lawyers na nagsasabing nasusuka na sila sa nakikitang paglabag sa mga alituntunin sa pangangampanya ng mga kandidato.

Prominenteng nailalabas na kasi ang mga pag-iikot na ito ng mga kandidato sa ngayon, at nakikita na ng marami ang ginagawang pagpalapastangan ng mga kandidato, lalo na sa national positions, sa mga batas pang-eleksiyon. Tiyak, pag ang mga kandidatong ito ang mananalo sa Halalan 2022, hindi na din sila maasahang sumunod ng tapat sa mga batas na dapat ay kanilang ipinaiiral.

Samantala, inaasahang itutuloy ang pagsasampa ng Pangulong Duterte ng kaniyang certificate of substitution bilang kahaliling kandidato sa pagka-bise presidente, kapalit ni Denador Bong Go.

-ooo-

LABANANG DUTERTE, NAPIPINTO SA INAASAHANG PAGSUSUMITE NG SUBSTITUTION NG PANGULO UPANG TUMAKBONG BISE PRESIDENTE: Nauna ng iniurong ni Bong Go ang kaniyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente, at nagsumite ito ng certificate of substitution bilang kahaliling kandidatong pangulo ng isang di kilalang partido na pinamumunuan ng mga grupong Born Again Christians.

Ayon sa pahayag ng Pangulong Duterte noong Sabado—o yung araw kung saan nagsubstitute bilang kandidatong pangulo si Bong Go—maghahain naman siya ng certificate of substitution bilang kandidato sa posisyong inalisan ni Bong Go.

Lilitaw na direktang maglalaban ang pangulo at ang kaniyang anak, si Davao City Mayor Sara Duterte, na ngayon ay kandidatong bise-presidente ng Lakas CMD, at sinasabing ka-tandem na siya ni dating Senador Bongbong Marcos.

Niliwanag naman ng mga abogadong nakipag-usap sa Kakampi Mo Ang Batas ngayong Lunes na wala silang kinakampihang mga kandidato, at wala din naman silang kinaiinisan. Sa mga pahayag ni Atty. Noy Macatangay, isa sa mga hosts ng 22 Minutos Mas o Menos, isang daily radio-online morning show, sinasabi niyang hindi na masikmura ng maraming mga abogadong Kristiyano ang ginagawang lantarang pagyurak ng marami sa mga batas panghalalalan.

-ooo-

MGA KANDIDATONG NGAYON PA LAMANG AY LUMALABAG NA SA BATAS, BINANSAGANG MAGIGING TIWALI PAG NALUKLOK: Nagiging daan kasi ito upang tumulad ang maraming mamamayang Pilipino sa ginagawa ng mga kandidato, habang sila ay kumakandidato pa lamang, at kahit na sila ay nailuklok na sa kapangyarihan. Wala ng gumagalang pa sa batas sa ating bansa, kaya’t panahon na upang kumilos ang mga Pilipinong sawa na sa pagiging tiwali ng marami nilang mga kababayan, dagdag ni Atty. Noy.

Ayon sa mga abogado, hindi kailanman magkakaroon ng tunay na kaunlaran ang ating bansa kung magpapatuloy ang pagtalikod ng marami sa mga umiiral na batas. Magiging dahilan ang pagsuway ng batas ng marami upang manatiling mahirap, magulo, at bigo, ang buhay ng mga pilipino, dagdag nila. Ipinunto nila na sa batas ng Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang paglabag ng mga tao sa mga alituntuning ipinaiiral ng kanilang mga namumuno.

Kinikilala kasi ng mga dalubhasa na ang sinumang lumalabag sa mga batas, ay sumusuway hindi na lamang sa mga pinuno ng pamahalaan, kundi sa mga kautusan ng Diyos. At dahil sumusuway ang mga tao sa mga kautusan ng Diyos—partikular sa pagtangging sumunod sa mga namumuno o namamahala sa kanila—hahatulan ang buong bayan, at sila ay parurusahan.

Ikinababahala ng mga abogado na ang magulong sistema ng pamumuno sa ngayon, kasama na ang patuloy na pananalasa ng Covid 19, ay mga parusang ang Diyos na ang may kalooban sa Pilipinas, at sa buong mundo.

\-ooo-

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.

The post Disqualification cases, inihahanda vs mga kandidatong nangangampanya na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Disqualification cases, inihahanda vs mga kandidatong nangangampanya na Disqualification cases, inihahanda vs mga kandidatong nangangampanya na Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.