Facebook

Panukalang butas ng Kamatayan Bloc

BUTAS at hindi batas ang ating nakikita sa panukalang batas ng “Kamatayan Bloc” s Kongreso – ang Human Rights Defenders bill.

Mahuhusay mag-isip ng paraan itong mga Makàbayan Bloc lalo na para proteksiyunan ang kanilang hanay at mga kaalyadong organisasyong mga front naman ng komunistang-teroristang samahan na CPP-NPA-NDF

Ito kasing kanilang panukala ay magkukubli sa kanila at iba pa nilang kapanalig, sa mga pangaabuso ng karapatang pangtao.

Hindi ito para sa taong bayan. Ito ay para lamang sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kasamahan sa armadong pakikipaglaban sa mga kabundukan.

Palalakasin ng panukala, sakaling maisabatas ito ang mga front organizations ng CPP-NPA-NDF, gaya ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights (Karapatan) at National Union of People’s Lawyers (NUPL), upang maging kasapi ng “Human Rights Defenders Protection Committee” na malilikha kapag batas na ito. L

Magiging daan ito para maikubli ang kanilang tunay na kulay at hangarin para maiiwas sila sa kanilang pinaggagwang paglabag sa karapatang pangtao ng ating mga kababayan sa mga kanayunan lalo na ang mga katutubo o mga kapatid nating mga Indigenous People (IP).

Maisasalag ng kanilang panukala ang kanilang mga sarili at mga kasamahan sa CPP-NPA-NDF sa mga kaso ng pangaabuso, na kanilang itatago sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga sarili bilang taga-pagtanggol ng karapatang pangtao o human right defenders, samantalang sila naman talaga ang pangunahing lumalabag nito.

Hindi na niyo maloloko ang mga Filipino, ang mga kababayan niyo, lalo na ang mga pinahirapan niyo at ang iba pa nga ay kinatay niyo.

Madarama niyo ang galit at pighati ng inyong mga kababayan sa kanilang paglahok sa halalan sa susunod na taon. Huwag na kayong umasang maiboboto pa kayo, alam na alam na namin ang mga karakas niyo.

The post Panukalang butas ng Kamatayan Bloc appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Panukalang butas ng Kamatayan Bloc Panukalang butas ng Kamatayan Bloc Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.