Facebook

Nabakunahan sa Maynila 132% first dose, 2nd dose 122 % – Isko

NALAGPASAN na ng Maynila ang 100 porsyentong target na mabukanahan kontra COVID-19 sa mga kwalipikadong residente ng lungsod nang sumampa na sa 132 % ang nabukanahan ng first dose at 122% naman ang 2nd dose.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno, na ipinaliwanag na kaya lumagpas na sa 100 % ang mga nabakunahan ay dahil kasama na dito ang mga nabakunahan na mga non-Manilans na dumayo sa lungsod para mabakunahan.

Ayon pa sa alkalde, ang mass vaccination program ng lungsod na pinangungunahan ni Vice Mayor at Doctor Honey Lacuna ay lumagpas na sa inire- required ng national government na 70 percent ng populasyon sa Maynila ang dapat na bakunahan.

“Everybody is still welcome in Manila through our continuing‘open policy.’ We were able to vaccinate even those from neigbhoring cities who went to Manila. Nagpapasalamat ako sa kanilang pagtitiwala sa Maynila at masaya kami na kayo ay paglingkuran,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa nito na base sa records of ng Commission on Elections (COMELEC), ang total ng eligible population na edad 18 pataas ay 1,065,149 habang sa Department of Health (DOH) ay 1,351,487 lamang.

Base sa pinakahuling ulat ni Lacuna, sinabi ni Moreno na hanggang November 15, 2021, may total na 2,713,815 vaccines ang na-administered sa Manila. Sa kabuuan ay 1,459,426 indibidwal ang naturukan ng first dose habang 1,293, 201 ang fully vaccinated.

Muli ay nanawagan si Moreno sa mga opisyal ng baranggay na hanapin ang kanilang mga nasasakupan na hindi pa nababakunahan kahit gaano pa ito kakonti.

“Tulungan ninyo ang inyong pamahalaan na hanapin sa komunidad ang mga dapat na mabakunahan,” sabi ni ng alkalde.

Samantala, sa kaso ng mga minors, sinabi ni Lacuna may total na 111,147 ang pre-registered sa mass vaccination program. May 56,830 total doses ang na-administered sa minors na nabibilang sa general population na edad 12 hanggang 17. (ANDI GARCIA)

The post Nabakunahan sa Maynila 132% first dose, 2nd dose 122 % – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nabakunahan sa Maynila 132% first dose, 2nd dose 122 % – Isko Nabakunahan sa Maynila 132% first dose, 2nd dose 122 % – Isko Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.