IMBITADO ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng sports-minded individuals na lumahok sa isang pag-aaral na tinawag na MAKE It Sports na isang module-based, asynchronous learning opportunity para sa mga taong mahilig sa sports. Magsisimula ang registration para sa programa sa Biyernes.
Ang MAKE sa “MAKE It Sports” ay pinaigsing Modules for Asynchronous Knowledge Enhancement at target ng programa ang magbigay ng impormasyo sa iba’t ibang topics sa pang-araw araw na buhay na tatalakay sa sports kagaya ng sa law, medicine, economics, technology, at iba pang topics.
Ang proyekto ay nabuo mula sa National Sports Summit na lalahukan ng prominenteng tagapagsalita.
Ipinaliwanag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na hindi dapat humihinto ang ating pag-aaral. “Para sa ibang nating atleta, ang pag-aaral ang magbibigay daan para sa kanilang training pero ang pag-aaral ay hindi dapat humihinto. Kailangan nating humanap ng paraan,” ani Ramirez.
Tampok sa MAKE It Sports ang modules na gagamitin ng kalahok para makapag-aral sa sarili nilang oras at tiyempo at pwede silang mag-apply para sa certification sa pamamagitan nang pagkuha ng exam.
Ang kurso ang ibibigay lamang sa mga nagparehistro para sa unang tatlong buwan at pagtapos nito ang module ng kurso ay ia-upload na sa website ng PSC para makita rin ng publiko.
Ayon kay Ramirez, pratical ang mga topics at pwede magamit sa pang-araw araw na buhay na may kaugnayan sa sports. “They can be an athlete, a teacher, a coach, an administrator but knowledge on the law as it applies to sports is very useful,” paliwanag ni Ramirez, na naging coach at guro bago maging PSC chief.
Ang unang module na ilalabas ay tatalakay sa Sports Law, at ipaliliwanag ni sports law-for-all advocate at Pilipinas Obstacle Sports Federation President, Atty. Alberto Agra.
Magiging available naman ngayon buwan ang dalawa pang ibang modules para sa Arbitration in Sports and Netball.
Ang MAKE it Sports ay bunga ng National Sports Summit 2021 kung saan ang mga lumahok ay humiling ng pagpapatuloy na pag-aaral ng kaparehas na aktibidad.
Sa unang phase, ang NSS ay nilahukan ng 13,000 participants.
The post PSC ilulunsad ang maikling kurso na MAKE It Sports appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: