Facebook

ROBREDO IGNORANTE SA E.O. 70 – REGION6TF-ELCAC

“WALANG basehan at di naiintindihan.”

Ito ang kasagutan ng regional unit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pahayag ni Vice President Leni Robredo, na ngayon ay isa ng presidential aspirant, na bubuwagin niya ang NTF-ELCAC na itinatag ni President Rodrigo Duterte sakaling manalo bilang presidente sa susunod na halalan 2022.

Sa special edition na ‘virtual na balitaan ng NTF-ELCAC kahapon, sinabi ng Regional Task Force of the Western Visayas Region (RTF6-ELCAC) ang Executive Order No. 70 ni Pangulong Duterte ay kinapapalooban ng “Whole-of-Nation Approach”, na Ang layon ay tapusin na Ang limang dekadang paghanari-harian ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

“Para lubos po niyong maunawaan, ang buong pwersa ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay kasapi, kabahagi, kasama sa iisang layunin na bigyang solusyon ang sanhi ng limamput tatlong (53) taon nang pakikipaglaban ng komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF/NDFP sa pamahalaan,” ang paliwanag ni Floserim Chris Gonzales, tagapagsalita ng Western Visayas Region o RTF6-ELCAC.

Labing-dalawa(12) Clusters nga aniya ang nasa ilalim ng NTF-ELCAC na may mandato mula pa ng itatag ang task force noong 2018 upang ang mga serbisyo at proyekto ng pamahalaan ay makarating sa libo-libong barangay at mga komunidad ng mga katutubo o Indigenous People’s (IPs) na nalinis na ng mga tropa ng pamahalaan sa pamemeste ng CPP-NPA.

“Kayo (Robredo) lang yata ang hindi nakakaalam nito. Sana nakisali rin kayo sa mga Serbisyo Caravan na itinaguyod ng NTF-ELCAC. Para sa inyong kaalaman, may Barangay Development Program din ang NTF-ELCAC. Sa BDP mayroong ibinibigay na P20 milyon sa bawat barangay na nalinis na sa kamay ng mga komunistang-terorista upang magamit ng mga residents s akanilang pngunahing mga pangangailangan,” paliwanag pa ni Gonzales.

At kung bubuwagin ang NTF-ELCAC, par Kay Gonzales walang ibang makikinabag kung di ang mga CPP-NPA-NDF muli.

“Yung sinasabi niyo na holistic approach, nangyari na po. In fact, it is being done by the government. Nahuli na po kayo sa balita. Yung pinagpipilitan niyo na to address the root cause of insurgency, na address na po. Huling huli na kayo sa balita Mam,” ang sabi ni Gonzales para kay Robredo.

Inimbitahan pa nito si Robredo na makipagdialogo sa kanila upang maliwanagan ng maigi sa kanilang mga napagtagumpayan na.

“Masakit lang po sa amin na pakinggan na pinalalabas niyo na walang naidulot na kabutihan ang NTF-ELCAC. Unfair po. Napaka-unfair ng pronouncement niyo,” ang sabi pa ni Gonzales Kay Robredo.

“Kakampi nyo ho ang NTF-ELCAC sa paglilingkod sa bayan lalo na yung mga nasa laylayan ng socioeconomic strata ng bansa natin. Yung common enemy po natin ay yung mga teroristang komunistang CPP-NPA-NDF/NDFP na simula’t sapul ay walang magawa kundi ang mangikil, pumatay, mang rekrut ng mga kabataan, mang gulo at mang linlang ng mga politiko para isulong ang kanilang mga agenda.” dagdag pa nito.

Si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary at NTF-ELCAC spokesperson para sa sectoral concerns na si Lorraine Marie Badoy, ay naghayag din ng pagkadismaya sa mga pahayag ni Robredo.

Para kay Badoy ang pahayag ng Vice President laban sa NTF-ELCAC ay nagpapakita lamang na wala itong alam lalo na sa misyon at mga nais marating ng pamahalaan – ang tapusin ang rebelyon at insureksiyon sa bayan.

Nainsulto raw ni Ang maraming kasamahan sa gobyerno sa walang basehan nitong pahayag.

“You insulted quite a lot of public servants who are doing hard work, who are really putting real manhours and are making big a difference for our people,” ang sabi ni Badoy, patungkol kay Robredo na aniya ay hindi tunay na oppsisyon kung di sagabal sa mga kapakanan ng mga tao.

Hinamon din niya si Robredo na samahan siya sa mga pagbisita sa mga barangay na natulungan na sa pamamagitan ng BDP na sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyan ng patubig, magandang kalsada, silid paaralan at serbisyong pangkalusugan.

The post ROBREDO IGNORANTE SA E.O. 70 – REGION6TF-ELCAC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ROBREDO IGNORANTE SA E.O. 70 – REGION6TF-ELCAC ROBREDO IGNORANTE SA E.O. 70 – REGION6TF-ELCAC Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.