Facebook

Sinasaktan, walang sahod: Ama ng OFW sa Saudi nagpasaklolo

HUMIHINGI ng tulong ang isang ama nang mawalan ng kontak ito sa kanyang anak na overseas Filipino worker (OFW) na umano’y inaabuso ng kanyang amo sa Jeddah, Saudi Arabia mahigit isang buwan na ang nakararaan.

Ang OFW ay lihim na nagpadala ng mga larawan ng kanyang mga pasa sa kanyang kapwa Pilipino sa Saudi Arabia na ipinadala naman nito sa mga kamag-anak sa Pilipinas.

Sinabi ng ama na nakatakdang umuwi ang kanyang anak sa Pilipinas noong Pebrero kasunod ng pag-expire ng kontrata nito bilang household service worker. Ngunit, kinumpiska ng amo ang kaniyang cellphone at passport.

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Riyadh na magsasagawa sila ng agarang aksyon at makikipag-ugnayan sa Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah.

The post Sinasaktan, walang sahod: Ama ng OFW sa Saudi nagpasaklolo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sinasaktan, walang sahod: Ama ng OFW sa Saudi nagpasaklolo Sinasaktan, walang sahod: Ama ng OFW sa Saudi nagpasaklolo Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.