BACOLOD CITY – Tadtad ng saksak ng patalim ang 19-anyos na babae nang matagpuan ang bangkay nito sa sagingan sa Sagay City, Negros Occidental nitong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Marijo Aldolfo, taga-Barangay Old Sagay ng naturang lungsod.
Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang salarin na nakilalang si Kent Joseph Katalbas, 21, ka-live-in ng biktima.
Mismong ang ina ni Adolfo ang nakadiskubre sa kanyang bangkay sa isang sagingan, ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.
Sa paunang imbestigasyon, binanggit ni Sagay City Police chief, Lt. Abundio Diaz, narekober nila sa tabi ng bangkay ang isang kitchen knife.
Sa presinto, nakita ng mga pulis ang sugat ni Katalbas sa kanyang mga kamay at binti na palatandaan na lumaban ang biktima.
Hindi na nagbigay pa ng iba pang impormasyon si Diaz kaugnay ng motibo sa krimen dahil tumatanggi paring magsalita si Katalbas na nahaharap sa kasong murder.
The post 19-anyos tinadtad ng saksak ng selosong ka-live-in appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: