Facebook

Dalagita ni-rape habang nagpapastol ng kambing

KULONG ang lalaking gumahasa sa isang dalagita na nagpapastol ng kambing Biyernes ng hapon sa lungsod Iloilo.

Kinilala ang nadakip na si Minard Noveros, 21 anyos, residente ng Barangay Buray sa Oton, Iloilo.

Ayon kay Police SSgt Ma Elena Doliguez ng Women and Children Protection Desk ng Oton PNP, nagpapastol si Nena (di-tunay na pangalan) ng kanilang kambing sa Barangay Tagbac Sur nang sumulpot ang suspek na armado ng kutsilyo.

Kuwento ni Nena, bigla siyang tinutukan ng kutsilyo ng suspek at hinila sa isang kubo at ginahasa.

Pagkatapos, kaagad tumakas ang suspek. Habang agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang.

Nagsumbong ang mga magulang ng dalagita sa pulisya at kaagad naaresto si Noveros.

The post Dalagita ni-rape habang nagpapastol ng kambing appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita ni-rape habang nagpapastol ng kambing Dalagita ni-rape habang nagpapastol ng kambing Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.