Facebook

Si Enrile ang isa sa mga nagpabagsak kay Marcos

LOOK! Ang taong isa sa mga nagpabagsak sa diktador na ama ni Bongbong na si late President Ferdinand Marcos Sr. noong 1986 ay iniendorso ngayon ang kandidatura sa pagkapangulo ng dayunyor.

Opo! Kalat ngayon sa social media ang larawan ng pagtaas sa kamay ni Bongbong o BBM ni dating Senador Juan Ponce Enrile.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Enrile na noo’y Defense Secretary ni Marcos kasama ang noo’y AFP Chief o PC-INP Chief (?) na si Fidel V. Ramos, o FVR, ang naging mitsa ng muntik pagdanak ng dugo sa EDSA nang mag-join forces ang dalawa para pamunuan ang militar at pulisya sa pagsagupa sa mga tropang loyal sa diktador na pangulo.

Napigilan lang noon ang sagupaan nang gumitna sa pagitan ng mga tangke de giyera ang mga taong simbahan at napuno ng taongbayan ang EDSA, naging ugat para kunin ng mga Kano si Marcos sa Malakanyang at dalhin sa Hawaii.

Kabilang ako noon sa mga sumama sa EDSA People Power 1.

Si Enrile rin ang sinasabing nasa likod ng sunud-sunod na bigong kudeta na pinamunuan ng “bata” niyang noo’y military Colonel at dating Senador Gringo Honasan na nangyari sa administrasyon ni late Cory Aquino.

Sa mga panayam kay Enrile, binanggit niya na ang ambush sa kanila noon ay “gawa-gawa lamang” para makapag-deklara sila ni Marcos ng martial law.

Napakarami ring masasamang salita laban kay Marcos ang inanunsyo noon ni Enrile.

At ngayon heto si Enrile… iniendorso ang pagkapangulo ni BBM na maraming beses niyang ininsulto noon na wala raw binatbatbat ang batang Marcos na ito.

Well, talagang sa politika ay walang permanenteng kaaway at kaibigan kundi puros personal na interes lamang. Mismo!

Oo nga pala! Si Enrile ay may nakabinbin pang kaso ng Plunder sa Sandiganbayan. Kaya lamang siya nasa laya ay dahil pinayagan makapagpiyansa ng P1 milyon sa rasong siya’y over 90-anyos na.

Sa tingin nyo, sa karakter na ito ni Enrile, nakatutulong ba ang kanyang endorsement kay BBM o isang kasiraan sa batang Marcos?

***

Sa survey ng religious radio station na Radyo Veritas para sa presidentiables, si Leni Robredo ang nangunguna na nakakuha ng 37 percent mula sa 2,400 respondents.

Sumusunod kay Robredo si Bongbong Marcos na nagtala ng 27%.

Ang nakagugulat ay si Ping Lacson na pumangatlo na mayroong 19%, malayo sa mga sumusunod na sina Isko Moreno (9%), Manny Pacquiao (4%), Bong Go (1%), Sara Duterte-Carpio (1%), at Bato dela Rosa (1%).

Ayon sa Veritas Truth Survey head na si Brother Clifford Sorita, ang survey ay ginawa sa pagitan ng Oktubre 1-31.

Karamihan sa listeners ng Radio Veritas ay mga Katoliko o taong Simbahan. Ibig sabihin ang 37% na ito na gusto si Leni para maging presidente ng bansa ay religious people.

***

Inanunsyo naman ng Facebook na sa mga tinanggal nilang trolls ng mga kandidato, pinakamarami ang Marcos. Halos 45 percent! Araguy!!! Kaya pala biglang komonti ang pro-Marcos accounts sa FB. Hehehe…

But in fairness, malakas talaga si BBM sa mga palengke, parkingan at tambayan. Lumipat kasi sa kanya ang DDS.

44 days nalang PASKO NA! Lockdown sa Dec. 25. Lol…

The post Si Enrile ang isa sa mga nagpabagsak kay Marcos appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Si Enrile ang isa sa mga nagpabagsak kay Marcos Si Enrile ang isa sa mga nagpabagsak kay Marcos Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.