
IPAGBABAWAL ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno ang substitution ng kandidato kapag siya ang nahalal na susunod na pangulo ng bansa.
Ayon kay Moreno, nakakalungkot isipin na pinapayagan ng bansa ang substitution na aniya ay isang malaking insulto sa talino ng mga Filipino.
“I hope someday, it will be done away with. I don’t believe in substitution. Tsnu-tsubibo tayo, pinaglalaruan. I don’t believe that the people deserve it,” sabi ni Moreno .
Idinagdag pa nito: “Some of our fellowmen are made to feel ignorant at sa pamamagitan ng substitution, eh lalo itong pinangangalandakan sa mukha natin. Pinaglalaruan ang buhay natin.”
Kapag tumatakbo ka sa kahit na anong posisyon sa gobyerno, lalo na sa national level, iginiit ni Moreno na dapat ikaw ay determinado at hindi mo dapat linlangin ang mga botante.
Ang dahilan ng pagtakbo mo sa public office ay hindi dapat para maghiganti o para kalabanin mo ang isang tao o dahil ikaw ang nakatanggap ng pagbabasbas.
“It must be because you decided on time and you want to offer yourself in service of the country and the Filipinos. Pag gusto mo, ‘wag ka dapat maghanap ng dahilan,” sabi pa ng alkalde.
Ayon pa kay Moreno, maari lamang ma-justify ang substitution kung namatay ang orihinal na tatakbo o naging baldado.
Sa kaso ng disqualification ng official candidate ay maaaring gamitin ang substitution, dagdag ni Moreno. Napuna ng alkalde na sa Pilipinas ang iba ay nagpa-file ng COCs bilang mga o “placeholders” sa mga aktwal na kandidato na hindi dapat payagan.
Habang ang dahilan ng substitution ay upang bigyan ng sapat na panahon ang kandidato kung siya ay tatakbo o hindi habang hindi pa iniimprenta ang balota, sinabi ni Moreno na napakahaba na ng panahon na ibinigay sa isang kandidato upang pag-isipan niya ang kanyang kandidatura bago pa ang itinakdang deadline para sa filing ng COCs.
Sinasaad ng Commission on Elections (Comelec), sa pamamagitan ng Resolution No. 10695, na sa November 15, 2021 ang deadline para sa substitution ng official candidate na umatras, namatay, na-disqualified sa final judgment para mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) .
Ang deadline para sa filing of COCs, Certificates of Nomination and Acceptance and Certificates of Nomination ay noong October 8, 2021. Ang final list ng mga kandidato para 2022 elections ay natakdang ilabas sa December 2021 . (ANDI GARCIA)
The post ubstitution ng kandidato ipagbabawal ni Isko, ‘pag nahalal na pangulo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: