
Ni ARCHIE LIAO
SA pinakabagong entry sa kanyang vlog, nakapanayam ni Karen Davila ang YouTuber na si Alex Gonzaga.
Bago ang panayam, naglibot muna sila sa bagong bihis na “Manila Zoo. “
Sa interview proper, natanong ni Karen si Alex kung kumusta na ang sister niyang si Toni Gonzaga pagkatapos nitong makatanggap ng katakut-takot na pamba-bash kaugnay ng pag-eendorso nito ng isang presidentiable at senatoriable na bumoto para maipasara ang ABS-CBN.
Ayon kay Alex, kinakaya raw naman ni Toni ang mga negatibong komento rito.
Aniya, pakiwari raw niya ay handa ang elder sister niya sa mga batikos dahil knowing her sister, matapang daw talaga ito.
Hirit pa niya, kung siya raw ay medyo may pagka-emosyonal, iba raw naman ang tatag ng karakter ng kapatid.
Katunayan, lumaki raw ang kanyang ateng bugbog sa sermon ng kanyang amang si Daddy Bonoy.
Nakita rin daw niya ang mga pinagdaanan ng kapatid sa showbiz.
“I know she’s a strong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord dun nang hindi siya ready. So my sister was bashed. Even before bata palang siya she was bullied nung pre-school pa lang siya. So I think during that time, she was so equipped and she was so ready for that. And I don’t think that the Lord would give that to me because I think my sister is more stronger, more independent, “pahayag niya.
Aminado rin siya noong na-pressure siya dahil sinasabing anino lamang siya ni Toni nang sumabak siya sa pag-aartista.
Nagpapasalamat naman siya na sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap ay nakagawa siya ng sariling pangalan hindi lang sa showbiz kundi pati na sa larangan ng vlogging.
The post Alex nilinaw, matapang si Ate Toni, kinakaya ang kaliwa’t kanang pamba-bash appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: