
Ni ROMMEL GONZALES
ISANG maituturing na achievement ni Kokoy de Santos sa kanyang karera ngayong 2022 bilang Kapuso ay ang pagiging exclusive contract artist niya ng Sparkle (na kilala dati bilang GMA Artist Center).
“Wow, Sparkle artist,” bulalas ni Kokoy nang batiin namin tungkol dito.
“Bagu-bago pa lang din naman po, ilang buwan pa lang pero dama ko na. Iba, iba kumbaga yung alaga din sa mga artista. Sabi ko, ‘Tagal ko ng nagta-try dito’, sabi ko, ‘Buti na lang ngayon, nabigyan ng pagkakataon na maging parte!’
“Hindi madali, siyempre, bago ka umabot sa point na ganito, isang karangalan po na mapansin,” nakangiting pahayag ni Kokoy.
“Ano ba’ng meron ako? Actually hindi ko alam, e.
“Siguro yung puso! Kaya Kapuso,” at tumawa si Kokoy.
“Thank you po sa lahat ng mga bumubuo, as a whole, as in sa GMA Network, sa Sparkle po, salamat, dahil binigyan nyo ako ng pagkakataon na mas lumawak pa kumbaga yung koneksyon, at yung mas maipamalas pa yung talent ko sa iba’t ibang klase ng plataporma.”
Bukod sa episode ng Magpakailanman noong Sabado na pinagbidahan ni Kokoy (The Blind Runner: The Mark Joseph “Aga” Casidsid Story) ay regular cast member na rin si Kokoy ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at ng Bubble Gang.
Ano ang pakiramdam; malamang ay may mga artistang naiinggit sa magandang takbo ng showbiz career ni Kokoy ngayong nasa GMA na siya.
“Naku, kung meron mang mga taong naiinggit sa akin, huwag! Kasi ito naman, talagang kahit sino kaya basta magsumikap ka lang, at alam mo yun, magtiwala ka lang kay Lord.
“Siyempre yung talent mo e hindi yan natatapos na ano yan, kumbaga never-ending na process yan. Talagang ako sobrang gutom pa rin ako na matuto ng mga bagay-bagay.”
May payo si Kokoy sa mga kapwa niya artista na naghihintay pa rin ng malaking break sa showbiz…
“Kung ako sa inyo ipagpatuloy nyo lang, huwag kayong susuko kasi ako may mga times talaga na muntik na akong sumuko po, e. So ayun, tiwala lang!”
Ano pa ang papel na nais niyag ipagkaloob sa kanya ng Sparkle at ng GMA?
“Kung ano po yung naiisip nila, tingin ko kaya ko, kahit hindi ko kaya kakayanin ko yan, e!
“Wala tayong choice, ito ngang pandemic hindi natin inaasahan pero kailangan nating mag-adjust sa new normal at kahit papaano, ngayon e medyo dumadali-dali na rin ang buhay dahil nga may mga lock in na ganyan, nakakapag-adjust na tayo.
“So in terms of roles naman willing akong gawin ang kahit ano pa yan,” sinabi pa ni Kokoy.
***
PRESENT din sa Zoom mediacon kung saan namin nakausap si Kokoy de Santos ang Senior Assistant Vice President for Alternative Productions ng Sparkle na si Ms. Gigi Santiago-Lara kaya tinanong namin siya kung ano ang nakita nila kay Kokoy kaya kinuha nila itong artist ng Sparkle.
“Tingnan mo o, ang cute o,” unang sinabi ni Ms. Gigi.
“He is very talented, he’s very charming, he knows how to make use of his best assets, his smile, yung personality niya, yung tingin niya, malandi… marunong lumandi sa kamera.
“It’s what I mean ha, sa kamera,” sinabi pa ni Ms. Gigi na ikinatawa nang labis ni Kokoy.
“O di ba, kung tumawa, nakakakilig. So we’re very thankful actually kila direk Perci Intalan for agreeing to entrust him to us also so kami ang magkakahawak-kamay dito.”
Sina Perci Intalan at Jun Lana ang mga executive producers ng Gamboys franchise sa ilalim ng kanilang creative production outfit na The IdeaFirst Company at nangangalaga rin ng career ni Kokoy.
“We’re very happy kasi ang ganda ng feedback ni direk at tsaka ni Ms. Cathy sa Magpakailanman.
“Magka-text kami actually kasi naghahanap nga kami ng magandang vehicle para kay Kokoy para kumbaga, di ba nakikita na natin siya, marami na siyang nagawa in movies and on digital pero parang sa TV so far yung the things that he’s been doing is mostly focused on comedy but we wanted to showcase him as an actor.
“So talagang magkahawak-kamay kami ni Ms. Cathy, ‘Ms. Cathy hanapan mo ako ng magandang material para kay Kokoy! Pag nahanap mo dun natin sasabihin yung Sparkle and all the other things he’s been doing.’’
“Happily nahanap niya yung magandang material, and after the taping magkausap kami ni Ms. Cathy and all-praises si direk kay Kokoy so talagang very thankful ako sa kanila for the opportunities that they’ve given us and I’m also very happy that Kokoy was able to deliver.
“So very proud kami kay Kokoy!”
Si Ms. Cathy Ochoa Perez ang Senior Program Manager ng Magpakailanman.
Ang naturang Magpakailanman episode ni Kokoy sa direksyon ni Neal del Rosario ay nakapagtala ng rating na 12% (Source: NUTAM People Ratings/ Nielsen Phils. TAM/ Based on Preliminary /Overnight Data) samantalang ang kasabay nito na PBB Kumunity ay nakapagtala ng 1.8 % at ang Maalaala Mo kaya ay nakakuha ng 1.14 % na rating.
Tinanong naman namin si Ms. Gigi kung ano ang hinahanap nila sa isang artsita upang kunin nila para maging Sparkle artist?
“Ngayon kasi di ba kasama namin sila Mr. M na naghahanap ng mga artist, ganyan,” pagtukoy ni Ms. Gigi kay Mr. Johnny Manahan na ngayon ay nasa GMA na bilang Sparkle consultant, “so we’re very focused sa mga artist na hinahanap namin siyempre nandiyan yung the looks, they should have the looks, personality and the talent.
“So iyon yung mga hinahanap namin, and happily we’ve had a number of activities since nag-join sila with us di ba, so nakakatuwa naman. Kumbaga things are really doing well for us so very, very happy kami.
“Tapos ngayon yung mga artist natin napapansin like si Kokoy di ba, so nakakatuwa!”
Banggit namin kay Ms. Gigi, ang mga Sparkle talents nila ay talagang sparkling ang career.
“Yes, they’re sparkling like diamonds,” sinabi pa ni Ms. Gigi bilang pagtatapos.
The post Kokoy malandi tumingin sey ng GMA executive appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: