Facebook

QC Rep. ALFRED VARGAS, sapul sa ‘anti-corruption probe’ ng Ombudsman

IKAKASA na ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon laban sa mga kasong korapsyon na inereklamo laban sa mga kongresista sa Quezon City.

Sapul sa isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman laban sa mga inakusahan korap sina District 5 Representative Alfred Vargas, Distric 2 Representative Precious Hipolito – Castelo at Distrct 1 Representative Onyx Crisologo.

Batay sa ulat, ang nagawa umano nilang “krimen” patungkol sa talamak umano na nakawan at bulsahan ng milyun-milyong halaga ng pondo para sa implementasyon ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) na mga manggagawa.

Kahapon ipinag-utos na ni Ombudsman Samuel Martirez ang isang “moto propio investigation” laban sa mga sangkot sa multi-milyong korapsyon sa TUPAD.

Ang nasabing anomalya sa TUPADna ang tunay na layunin ay mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga manggawa sa informal sector ay iniimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, may sapat na ebidensiya ang NBI na gagamitin sa isasampang patung-patong na mga kasong kriminal laban sa mga pulitiko at kasabwat nila sa pagnanakaw ng napakaraming pera ng DOLE na inilaan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa kasag-sagan ng pag-atake ng corona virus disease – 2019 (COVID – 19) sa bansa.

Kung inyong matatandaan, si Vargas ay kasalukuyan ding may kinakaharap na kasong katiwalian at korapsyon na iisinam pa sa Ombudsman hinggil sa maanomalyang programa nito na “Palupa at Pabahay” sa mga mahihirap na residente ng Distrito 5 ng Quezon City.

Ibinulgar ito noon sa isang “privilege speech” ni Quezon City Distrct 5 Councilor Allan Francisco, nagsabing batay sa reklamo ng mga biktima at sarili niyang imbestigasyon, walang katotohanan ang nsabing proyekto, at hindi rin isinauli ang milyun-milyong piso na ipinambayad ng humigit kumulang 500 pamilya na nadeggoy ng opisina ni Rep. Vargas.

Ang diumano’y maanomalyang imlementasyon ng TUPAD at ng Pabahay at Palupa program ay mga isyu na dapat saguting ng opisina ni Rep. Vargas sa kanyang nasasakupan sa District 5 ng Quezon City.

Subalit sa halip na harapin at magpaliwanag si Rep. Vargas pilit na nililihis nito ang katotohanan sa isyu para siraan ang katunggali ng kanyang kapatid sa eleksyon sa pagkakongresista ng Distrito 5.

Pawang kasinungalingan ang impormasyong ipinapakalat sa midya at mga residente ng Distrito 5 laban sa negosyanteng si Rose Nono Lin simula nang mangunguna ito sa mga kandidato sa pagkakongresista ng Distrito 5.

Tapos na ang termino ni Representative Alfred Vargas.

Ang kapatid niyang si Konsehal Patrick Vargas ang inilalaban ng pamilya Vargas upang manatiling hawak nila ang distrito.

Ang isyu ng kampo ni Vargas laban kay Nono-Lin ay malayo sa katotohahan, sapagkat inimbento lang ng malisyosong isipan.

Higit sa lahat, walang pinerwisyong mamamayan ng Distrito 5 si Rose Lin kahit kailan.

Walang magawang matino ang kampo ni Vargas, kundi manira upang mawala sa isipan ng mga residente ng Distrito 5 ang talamak na korapsyon sa TUPAD ng DOLE.

The post QC Rep. ALFRED VARGAS, sapul sa ‘anti-corruption probe’ ng Ombudsman appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
QC Rep. ALFRED VARGAS, sapul sa ‘anti-corruption probe’ ng Ombudsman QC Rep. ALFRED VARGAS, sapul sa ‘anti-corruption probe’ ng Ombudsman Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.