Facebook

Ang pambubudol ni Yorme sa isyu ng bentahan ng Divisoria Market

It’s easier to fool people than to convince them that they have been fooled. — Mark Twain

NAHIHIBANG na yata si Yorme Isko Moreno aka Boy Benta sa pagsasabing: “ibebenta ko lahat, kahit city hall, o ‘yun clock tower ay ibebenta ko may makaen ka lang.”

Sa biglang tingin, aakalain mo compassionate statement ito na para bang may malasakit talaga s’ya sa mga taga-Maynila.

Pero ang totoo, pambubudol ito!

***

ANG sabi ni Boy Benta, ginamit daw ang P1.4B sa panahon ng pandemya — pambili vaccine, pagtatayo ng quarantine facilities, at iba pa.

Isa ito malaking pambubudol mga katoto, bagamat, ibinenta ang Divisoria market sa gitna ng pandemya sa ilalim ng Resolution No. 171 at 180 noong Agosto 10 at 17, 2020, bago nito ay nakapangutang na sina Yorme Isko aka Boy Benta at Vice Mayor Honey Lacuna, aka Aling Simang ng P15 hanggang P25 bilyon noong Novemberr at December 2019.

Heto ang mga resibo!

NANGUTANG NA, NAGBENTA PA!

ANIM na buwan pa lamang sina Isko at Lacuna sa puwesto, pumasok na sila sa ISANG Memorandum Of Agreement (MOA) noong November 11, 2019 sa Landbank para sa isang P10B loan agreement.

Pinagtibay ng city council ang kasunduan sa ilalim ng Ordinance No. 8603, noong December 16, 2019 na pirmado mismo ni Lacuna at inaprubahan din ni Mayor Isko noong Jan. 7, 2020

Ang pagkakagastusan daw ng P10B loan ay ito:
1. Construction of a new city hall
2. Construction/renovation of the Ospital ng Maynila
3. Construction of PLM School of Medicine Bldg.
4. Rehabilitation of Manila Zoo.

***

HINDI pa nasiyahan, isang buwan pa lamang ang pagitan, noong Dec.18, 2019 muli silang pumasok sa isang P5 bilyon Omnibus Term Loan Agreement sa pagkakataon ito, sa Development Bank of the Philippines (DBP) naman sila nangutang.

Muli, niratpikahan ito ng city council bilang Ordinance No. 8655, noong July 20, 2020 at inaprubahan ni Mayor Isko noong July 28, 2020.

Dito naman daw nila gagastusin ang P5B utang:
1. To partially finance the redevelopment of Manila Zoo
2. To partially finance the construction of Binondominium 1
3. To partially finance the construction of Tondominium 1
4. To partially finance the construction of Tondominium 2
5. To partially finance the construction of 10-storey Bagong Ospital ng Maynila and Parking Bldg.

***

NOONG May 21, 2021, muli na naman nangutang sina Yorme at Lacuna sa DBP ng P10 bilyon at pinagtibay ito ng city council sa ilalim ng Ordinance No. 8752 nitong June 3, 2021.

Noong petsa din iyon, June 3, 2021, nagkukumahog na binitbit ni Lacuna ang naturang ordinansa sa opisina ni Mayor Isko upang agarang pirmahan.

Dito umano pagkakagastusan ang P10B loan:
1. Construction of Dr. Albert Elementary School
2. Construction of Rosauro Almario Elem. School
3. Construction of Manila Science High School
4. Construction of San Sebastian Residences
5. Construction of Pedro Gil Residences
6. Construction of San Lazaro Residences

KAYA maliwanag na may sapat na pondo noong 2019 hanggang 2020 at ginawang alibi lamang ang pandemya para ibenta ang mga patrimonial property ng bansa gaya ng Divisoria market, Harrison Plaza at iba pa.

Mahigit P20B ang badyet ng city noong 2020, sapat na ito para punan ang pangangailangan ng Manileno sa pandemic response.

Nangutang na, nagbenta pa, saan napunta ang pera?! ……sa God First kaya?!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)

The post Ang pambubudol ni Yorme sa isyu ng bentahan ng Divisoria Market appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang pambubudol ni Yorme sa isyu ng bentahan ng Divisoria Market Ang pambubudol ni Yorme sa isyu ng bentahan ng Divisoria Market Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.