Facebook

Bistek may resbak sa pasaring ni Kris; Bea atat nang pakasalan ng syotang si Dominic

Ni BETH GELENA

HOW true na muling kumakatok ang Wowowin TV host na si Willie Revillame sa bossing ng GMA-7 na si Atty. Felipe Gozon to take him back?
Nabasa namin ang article na ito sa Bilyonaryo Business.com.
Na-realized daw kasi ng TV host na apparently the grass is not always greener on the other side.
Mahigit na ring isang buwan ang lumipas nang mag-decide si Kuya Wil na di mag-renew ng kontrata sa Kapuso Network.
February 11 nang huling umere sa GMA7 ang Wowowin at nag-announce rin siya ng dahilan kaya hindi siya nag-renew ng kontrata.
Sa ngayon ay naka standby pa rin ang TV host dahil hindi pa nag-ooperate ang network ng bilyonaryong si Manny Villar.
Ito raw ang dahilan kaya agarang umalis si Kuya Wil sa Kapuso.
Siya umano ang magpapalakad ng Villar Network tulad ng mga unang lumabas na balita.
Ayon sa Babbler, Villar’s Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) has not only been having a difficult time attracting talent and putting together a full day of programming, it also lacks the basic network infrastructure like transmitters and studios.
Anila pa: “Villar had planned to procure the transmitter of the Lopezes after AMBS was granted the old frequencies owned by ABS CBN Broadcasting. But the Lopezes had sold its transmitters to TV 5 and Globe.”
Habang naghihintay ng resulta si Kuya Wil to get his Villar’s TV act together, nagtayo ang TV host ng sarili niyang show na live streamed sa social media but it has so far generated spare change compared to the millions he has been getting on his GMA show.
Nabanggit pa ni Kuya Wil na pinayuhan siya ng kanyang doktor na kailangan niyang mag test para sa kanyang health reasons.
Sey pa ng Babbler, malamig daw ang GMA sa inaapela ni Kuya Wil sa posibleng pagbabalik nito.
“Gozon felt betrayed that Revillame chose Villar over him after giving Willie one of the biggest TV contracts. Look what happened to Angel Locsin who left GMA for ABS-CBN? Gozon never forgets,” ayon pa sa Babbler.
Kaya ang tanong, tama ba ang desisyon ng TV host na umalis agad o nagkamali siya sa kanyang desisyon?
***
MAY post si Herbert Bautista na reaksyon umano niya sa sinabi ni Kris Aquino hinggil sa ex na hindi naman pinangalanan ng Queen of All Media nang um-attend ito sa campaign rally ng Kakampinks (VP Leni-Sen. Kiko team) na ginanap sa Tarlac kamakailan.
Pinost ni Herbert ang larawan nila ni Bongbong Marcos, ang presidential candidate ng UniTeam kung saan may sinabi si BBM.
“Thank you po sa advice, Mr. President,” sagot ni Bistek.
“Kris aquino just gave him a major publicity, a good publicity
Hay naku Kris pag yan nanalo mas magiging bitter ka”
“These so called kakampink celebrities literally gave good publicity to bautista and panelo, sharon and Kris hahaha”
“True. Tama na muna K at S baka manalo pa ang mga yan. Nkakainis!”
“Panira kasi tong si Kris sa rally ni VP and Kiko. Dapat dyan inoff ang mic. Nagpunta mga tao don for Leni at marinig sya hindi yong drama ni Kris.”
***
ATAT na raw talaga si Bea Alonzo na pakasalan na siya ng boyfriend na si Dominic Roque. Sa isang panayam kay Bea, natanong ang aktres kung ano ang isasagot nya sakaling mag-propose na ang boyfriend.
“Kung sakali man na magpo-propose siya, siyempre, o-oo ako.”
May pasubali lang ang Kapuso aktres.
Pero sa ngayon daw, marami pa rin siyang gustong gawin.
“Well, darating din tayo riyan. Pero sa ngayon, parang hindi pa ‘yon ang circumstances ko. Pero sa ngayon, parang I have a lot of dreams to achieve pa rin.
“At ngayong nagsisimula pa lang ako sa GMA, I’m about to do my first teleserye with them and I’m very, very much excited. Nagsisimula pa lang ako, parang malayo pa ang lalakbayin namin.”
Nito raw March 26 na ang simula ng paghahanda nila para sa primetime series ng GMA-7 na “Start Up,” isang Pinoy adaptation mula sa K-drama.
“We we’re told na hindi siya bubble. Parang napayagan na yata na hindi siya bubble. But just the same, meron pa rin yatang three days straight and then, two days break. In a way, parang bubble, pero nakakauwi kami ng kanya-kanya naming bahay and everytime, may RT PCR test kami para safe kaming lahat “ sambit pa ni Bea.

The post Bistek may resbak sa pasaring ni Kris; Bea atat nang pakasalan ng syotang si Dominic appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bistek may resbak sa pasaring ni Kris; Bea atat nang pakasalan ng syotang si Dominic Bistek may resbak sa pasaring ni Kris; Bea atat nang pakasalan ng syotang si Dominic Reviewed by misfitgympal on Marso 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.