
Ni JOVI LLOZA
HINDI nagpahuli si Kathryn Bernardo sa ilang Kapamilya actress na nagpakita ng kaseksihan sa kanilang socmed.
Aba, at may pasabog din si Kathryn sa kanyang social media account.
Sa ika-26th birthday ni Kathryn ay kitang-kita at namangha ang netizens sa posted pics ni Kathryn.
Marami ang napa-wow nang tumungo ang dalaga sa isang beach kasama ang bf na si Daniel Padilla.
Pa birthday gift ni Kathryn sa sarili ang pagpapakuha nito ng naka-sexy outfit sa resort.
Nagpasalamat din ito sa kanyang mga tagasuporta na simula pa lang noon ay nandiyan na at nagtiwala sa kanya as an actress.
Sa pagtuntong nga nito ng 26th birthday eh kakaibang Kathryn ang nakita ng netizens sa socmed.
Nakapanggigigil nga raw si Kathryn at katakam-takam ayon sa netizems na tila naglalaway sa kaseksihan ni Kath.
Sa kabilang banda, excited na nga raw ang kanyang fans sa bagong project na pagsasamahan muli ng KathNiel.
***
HINDI na nga itinanggi ng rumored gf ni Aljur Abrenica at sexy actress na si AJ Raval na pinukulan ng iba’t ibang isyu.
Hindi lang basta isyu kungdi negatibong isyu.
Pero ‘di naman nagpatinag ang aktres kahit binabato ito ng mga negatibong isyu.
Tuloy lang ang buhay at ‘ika nga, the show must go on.
Sa kabila ng mga negang isyu ay nalagpasan naman ito ni AJ.
Eh malaking tulong nga raw ito sa career niya dahilan para umingay ang kanyang namesung.
Tila nagbunga nga ang kanegahan na yun para kay AJ.
Sunud-sunod at kabi-kabila ang mga projects na ginagawa nito.
Oks lang naman kay AJ kahit tawagin pa siyang sexy star at doon naman siya talaga nakilala.
Well, well, well…’Yun na!
The post Kathryn nagpasabog ng kaseksihan sa ika-26th birthday appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: