
Ni WALLY PERALTA
MAY bagong seryeng ginagawa ngayon si AJ Raval under Vivamax na magsisimula nang ipalabas simula sa April 10 sa Vivamax App at sa loob ng 10 linggo thereafter.
Isang sexy/suspense/drama serye ang “Iskandalo” na tatakbo ang istorya sa isang detective na gagampanan ni Cindy Miranda na lutasin ang cybercrime na sex scandal ng sikat na artista.
Mukhang nakaka-relate rito si AJ dahil kamakailan lang ay nagkalat ang mga sexy scenes sa internet at videos sa porn site, na kuha sa isang pelikula niyang ginawa na tila pinamumukhang sex video scandal ito ni AJ.
“Nakakalungkot po dahil pinagpapaguran namin ang movies namin, tapos nanakawin lang nila yung mga seksing eksena at ipalalabas as scandals para pagkakitaan. We really feel bad and sad about it, na pinagpipiyestahan sa social media yung movies namin, pinagkakitaan nung may ari ng account,” say ni AJ.
May plano kaya si AJ na maghain ng reklamo laban sa mga gumawa ng kanyang sex video scandal kuno?
“Naku, e hindi naman po natin kontrolado ang social media, so they just choose yung most sensitive scenes and exploit it. Kahit bawalan silang mamirata, gagawin pa rin nila kasi nasa streaming yung movies namin,” dagdag na say ni AJ.
***
PAREHONG galing sa Kapamilya Network sina Kyline Alcantara na nagsimula bilang child star, at si Bea Alonzo.
Sa pagdadalaga ni Kyline ay nag ober da bakod siya. Lihim ding natuwa si Kyline nang maging Kapuso si Bea dahil ito raw ang kanyang inspirasyon noong nasa Kapamilya pa siya.
Kaya ganun na lang ang saya ni Kyline nang imbitahan siya ni Bea na maging guest sa vlog ng aktres.
“I’m really grateful kasi si Ate Bea po ‘yung nag-approach sa amin na mag-guest kami sa vlog niya. And then syempre kinuha ko na po ‘yung time na ‘yun para i-guest siya sa vlog ko,” say ni Kyline.
Walang kiyeme si Kyline sa pagsasabing isa sa wish niya ay ang makasama si Bea sa isang proyekto at marating kung anuman ang tagumpay na natamo ni Bea sa showbiz world.
“Gusto kong makasama si Ate Bea kasi ever since po talaga iniidolo ko na siya and sobrang ganda niya sa paningin ko. If makakasama ko man siya it’s such a big blessing.
“Gusto kong makita ‘yung sarili ko sa kanya sa future kasi syempre isa siyang Bea Alonzo and gusto ko rin pong makamit ‘yung ganoong tipo ng success,” dagdag pang say ni Kyline.
The post Kyline inamin, type maging panibagong Bea; AJ may sex video scandal kuno appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: