
Ni ROMMEL GONZALES
MAS lalong mararamdaman ng mga tumututok sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady ang summer dahil magkakaroon na naman sila ng bikini showdown.
Bukod sa nakatutuwang pagmamahalan nina President Glenn (Gabby Concepcion) at Melody (Sanya Lopez), tuluy-tuloy din ang pagrampa at patalbugan ng mga naggagandahang Kapuso stars na bahagi ng programa.
Tampok sa bikini showdown sina Sanya, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kakai Bautista, Cai Cortez, Analyn Barro, Cassy Legaspi, at Alice Dixson.
***
HINDI na lang on-screen nagbibigay saya at kilig sina Thou Reyes at Muriel Lomadilla ng First Lady.
Sa Instagram, patuloy ang pagbibigay kilig nina Thou at Muriel sa mga ibinabahaging sweet photos sa likod ng kamera.
Dahil sa kakaibang chemistry, maraming netizens ang sini-ship na rin sila sa isa’t isa na komento ng ilan, “Bagay sila.”
Sa First Lady, gumaganap si Thou bilang chief of staff ni President Glenn Acosta na si Yessey habang tagapag-alaga naman si Muriel ng mga anak ng Presidente bilang si Bevs.
Subaybayan sina Thou at Muriel sa First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
***
MULING naghahatid ng nagbabagang balita si Mike Enriquez sa kanyang programa sa Super Radyo dzBB at mapapanood siya weeknights sa flagship news program na 24 Oras.
Balik-hosting din ang highly-respected Kapuso news anchor sa award-winning show niya na Imbestigador tuwing Sabado ng hapon.
Ngayon pa lang ay ramdam na ang excitement ng ating mga Kapuso online na muling mapapanood si Sir Mike matapos ang kanyang medical leave of absence.
Bukod sa magiging busy na siya sa mga show sa telebisyon at radyo, todo rin ang paghahanda niya sa The GMA Presidential Face-off sa April 30.
Sa media conference na idinaos via Zoom, nagkuwento ang GMA news pillar sa miyembro ng entertainment press na mga dapat abangan sa presidential debate.
Kuwento ng Kapuso anchor, “To put in a nutshell, this is what I told one of our producers. Alam n’yo ‘yung debate dalawang oras ‘yan.
“Kung hindi natin huhusayan ang presentation niyan, ang packaging niyan tutulugan tayo ng mga tao.”
“Dalawang oras, who wants to listen to politicians for two hours?
Pagtatapos ni Sir Mike, “So, the challenge is how to make the so-called debates— interesting, lively, colorful, but no less substantive. And that is what we are preparing for and that is what the audience will get.”
The post Bikini showdown na naman sa ‘First Lady’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: