
Ni ROMMEL PLACENTE
SA interview kay Julie Anne San Jose ng Pep.ph, tinanong siya kung ano ang tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Rayver Cruz.
Sagot ng dalaga,”Ano po, we really enjoy each other’s company, and yun, happy lang naman po.
“All good things, and we’ve always been close and really best friends and, yeah, we’re just happy to be around each other’s company.”
Sundot na tanong kay Julie Anne kung as a friend lang ba ang closeness nila ni Rayver, ang matipid at makahulugan niyang sagot ay,”We’ll see,”
Nasa panliligaw stage na ba si Rayver?
“I think I’m not the right person to answer the question. Mas okay na lang ho kung siya na lang po yung tanungin,” safe na sagot ng singer-actress.
So, kung ganyan yang sagot ni Julie, ibig sabihin, kung hindi pa talaga sila ni Rayver, ay nanliligaw na sa kanya ang aktor. Kasi kung hindi, pwede naman niyang sabihin na hindi ito nanliligaw sa kanya ‘di ba?
Si Rayver ang gusto niyang sumagot, kasi ito ang lalaki na siyang dapat maunang magsalita kung nanliligaw ito sa kanya.
Pangit naman kasi kung aamin siya, tapos baka magdi-deny naman ang ex ni Janine Guttierez, di ba? E, di mapapahiya lang siya.
***
PINATULAN ni Pokwang ang mga bashers niya na tinutuligsa siya sa ginagawa niyang pagsuporta sa tandem nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Sabi niya, dapat ay suportahan na lang ng mga basher nila ang mga artistang kaalyado nila, na sumusuporta sa gusto nilang ibotong pangulo at pangalawang pangulo, kesa ang i-bash sila na mga Kakampinks.
Post niya sa kanyang social media accounts,”Bakit kapag kaming mga #Kakampink na artista nag-post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming mga nagmamaasim na suporter ng kabila? Bakit di nyo nalang suportahan mga kapwa ko artista na kaalyado n’yo kesa i-bash nyo kami? They need your support too!”
Hindi naman natatakot ang komedyana na mabawasan ang kanyang followers sa ginagawa niyang pagsuporta kina VP Leni at Sen. Kiko.
“Gusto ko lang malaman nyong mga nagbabanta mag-unfollow sa ‘kin, go ahead. ‘Di po ako takot mawalan ng followers! Takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa ‘king mga anak at magiging apo,” aniya pa.
Tama nga naman si Pokwang. Respetuhin na lang sana sila kung sina VP Leni at Sen. Kiko ang gusto nilang suportahan sa darating na eleksyon di ba?
The post Julie Anne tikom pa sa estado ng relasyon kay Rayver appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: