
MALAYO pa ang araw sa paghuhusga sa mga tumatakbo sa halalan tila may hugis na kung sino ang titimon sa kinabukasan ni Mang Juan. Natatanaw kung sino ang pinaka malapit sa finish line na pinupukol ng kahit anong pula upang makahabol ang ibang nag-aambisyon sa pwesto ng panguluhan. Sa pag-uusap ng pagtitimon o renda sa pagpapatakbo ng bansa sa magaganap na pag-angat ng kabuhayan ng bawat Pilipino, ang kakampink ang may pinakamalinaw na programa hindi lang sa pagkakaisa sa halip ang pag-angat ng kabuhayan. Walang sisinuhin kakampink man o nasa ibang mga bakod dahil para sa kaunlaran ng lahat at ito ang nais na maganap ng nag-iisang ina na tumatakbo sa panguluhan.
Sa pagtimon sa kinabukasan, walang maiiwan kahit ang anak na napariwara’t naligaw ng landas ay kasama sa ibabangong kinabukasan. Batid ang kalagayan ng mga anak lalo’t ang mga nasa laylayan na pinangakuan ng pag-unlad ng aalis na pamahalaan, ngunit pinabayaan sa ngalan ng sariling pakinabang. Hindi makakalimutan na ang bawat Pilipino na naghahanap ng mabuting buhay sa hinaharap ang uunahin sa kadahilanang dama ang kahirapang dinaranas lalo sa panahon na patong patong ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Walang puknat na pagbabago ang ilalatag sa hinaharap upang masagot ang mga hinaing ng nasa laylayan na nakalap sa panahon ng pag-iikot sa bansa bunsod ng halalan at programang inilunsad sa opisina ng abalang pangulo.
Sa panahon na manalo sa halalan pang panguluhan, ang nakaambang pag-aresto sa mga nagtataasang presyo ang uunahin ng masiguro may mabibili para sa pamilya ang kapit na salapi ni Mang Juan.
Malawakang pagbabago ang ilalatag subalit hindi kagyat ang epekto sa kadahilanang anim na taong pagkasadlak ng bayan sa kahirapan, katiwalian at kawalan ng hustisya na biktima ng EJK at kailangang linisin at unahin. At sa paglilinis ng dumi ng nakaraan, ang gagalawang mandato’y tunay na isinasagawa ng may kabilisan kasunod ang madadamang pagbabago sa kabuhayan ng lahat ng anak ni Mang Juan. Ang nakambang pag-unlad para sa lahat ang siyang magiging kaayusan para sa bayan.
Batid na may mga pagsubok na dadaanan subalit hindi mapuputol ang layon ng pag-unlad para sa lahat. Ang ibinigay o ibinigay na mandato ang katayuan sa pagpapairal ng pag-unlad para sa lahat. Walang sektor ang uunahin o magiging paborito sa halip ang pagkakaroon ng gumagalaw na relasyon ng bawat isa ang paiiralin ng ang bawat sulok ng mga usaping bayan ang tutugunan ng walang magagalit o maisasantabi. Ang pakikipag-usap sa bawat batayang sektor gagawin upang maging batayan sa malinis na pagpapatupad ng mga programa’y tunay na may pakinabang ang bawat Pilipino.
Sa mga kritiko, masasabing sa papel lang ang mga nababangit ngunit hindi sa realidad. Bakit? Dahil ang karanasang itinanim ng nakaraang pamahalaan ang pinanggalingan na puno ng magagandang pangako subalit hungkag sa katotohanan. Hindi maalis sa isip ni Mang Juan ang ganitong pananaw subalit, tulad sa isang ina, tulad ng abalang pangulo, dama ang pangangailangan. Ang pag-aasikaso sa mga anak na nawalan ng pag-asa sa nakaraan ang siyang pinanghahawakan para sa hinaharap. Sa totoo lang, ang mga serbisyong ginawa’y ‘di kailangan nakahayag na sa halip isinulong ito ng tahimik ngunit ramdam ang pakinabang. Nagawa ang serbisyo sa kabila ng maliit na pondo ng opisina, naglingkod ang abalang pangulo na nagresulta sa sustainable income ng mga nasa laylayan ng lipunan na inabot ng programa na naglayo sa kanila sa kahirapan. Walang pagpapahayag sa serbisyong nagawa sa halip ang pag-unlad na dinanas ng mga inabot ng programa magtutuloy tuloy at tutularan sa mas malakihang serbisyo sa darating na pag-upo sa panguluhan. Tahimik ngunit epektibong serbisyo ang ilulunsad sa pagbangon sa kabuhayan ng mamamayan.
Batid na hindi titigil ang mga kritiko lalo ang may malaking pakinabang sa nagbabayad na politiko sa pagtuligsa sa nasisilip na paglakas ng abalang pangulo sa mga tao lalo’t kita sa mga campaign rally na naidaos. Hindi magkandaugaga ang mga kritiko lalo sa puntong panahon na marami sa mga malalakas na politiko sa halalang lokal ang nagpapahayag ng pagkampink sa abalang pangulo. Hindi maubos maisip na ang mga politikong lokal na dating kaalyado at tunay na may hakot ng boto sa halalan ang nagpalit ng ibig sa panguluhan. May ilang politiko na mapanlikha sa ngalan ng pulitika na pagsuporta sa mga kandidatong ‘di magkapartido at pwestong iniibig subalit ito ang gusto sa halalan, at ito ang siyang tinutulak.. Hindi hawak ninuman at kusang kilos ng mga politikong nakikita ang bentahe kung ang pagsasamahin sa kampanya ang ibig na kandidato sa di magkaparehong pwesto na tinatakbuhan.
Sa kaayusang ito, tila iba ang basa ng mga lider politika sa kaganapan sa ibaba ng manghahalal na siyang basehan ng ikinikilos ng mga ito. Ang galaw ng manghahalal ang nagdidikta kung ano ang nais ngunit at pagkilala sa kagustuhan ng manghahalal ang siyang inilalako masakit man sa panlasa ng iilan ngunit masasabing maaaring siyang maging kaganapan. Ang ipinapakita’y maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kaganapan sa baba ang nagdidikta sa kilos ng ilang politiko. Hindi matanggap ang isinusulong ng ilang politiko tila may basihan lalo’t malapit ito sa pulso ng mga Pilipinong nasa laylayan.
Hindi sinasang ayunan, ang kaganapan at patuloy na isusulong ang mga kasalukuyang tambalan na magbibigay sa tunay na pag-angat buhay para sa lahat. Walang pagdududa na kailangan ipagpatuloy ang kaayusan na tila nililito ng pulitikong may mapaglarong isip. Ang kaparehang tinanggap sa una’y ‘di na kailangan palitan sa pag-usad sa sariling kapakanan. Alisin ang oportunistang ugali kung ang nakasalang ang pag-unlad ng bayan at para kay Mang Juan.
Hindi minamali ang nagsusulong ng mix- candidate subalit malinaw na ito’y pagsulong sa sariling nais upang mapanatili ang sarili sa darating na kaganapang pampolitika. O’ marahil sa lapit nito sa mga indibidual kandidato na nagkataon na tumatakbo sa magkaibang pwesto’t partido ang kadahilanan. Abangan ang maaring kaganapan na ang dating kakampi’y maging kalaban at ang dating kalaba’y magiging kakampi. Tiyak na magaganap ang binangit sa itaas base sa kasaysayan ng halalan sa bansa.
Tama o mali ang pagsusulong ng ilan politiko sa mix-candidate at pagtalon ng isa, dalawa o tatlong lokal lider sa ibang bansa na ang layo’y pansarili lamang at hindi pang balana. Malinaw na may senyales sa baba ng lipunan sa kung sino ang napupusuan ng manghahalal. Ang galaw ng politiko sa baba ang barometro kung sino ang malakas na kandidato.
Pinupulsuhan na kung kanino ihanay ang interes at sino ang dapat iwanan. At si Leni Robredo ang napupusuan ng mga nasa laylayan ng lipunan na siyang sinasakyan ng lokal na kandidato, at ang siyang magiging kaayusan sa halalan..
Maraming Salamat po!!!
The post Kaayusan sa halalan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: